Bedeal
Ang mundong kinagagalawan ko ay hindi isang simpleng mundo lang. Kailangan mong mabuhay, kailangan mong kumawala sapagkat lahat kami ay dinakip at tinapon sa lugar na malayo sa aming nakasanayan. Isang malupit na siyudad na bumabase sa abilidad mo. Walang pagkain at kagamitan na makakatulong sa amin.
Tanging ang liksi at pagiging mautak ko lang ang naging gabay ko upang mabuhay kami ng aking ina. Kasama ng aking grupo, tinatahak namin ang buong siyudad upang kumuha ng gamit at ibenta. Pero nagkamali kami ng pinasukan.