Akobico's Reading List
47 stories
Legend of Divine God [Vol 18: Defiance of Fate] by GinoongOso
GinoongOso
  • WpView
    Reads 762,862
  • WpVote
    Votes 100,237
  • WpPart
    Parts 200
Pagkatapos ng sukdulang pagsasakripisyo ng mga anghel para maisalba ang buong sanlibutan, mas lalong umigting ang kagustuhan ni Finn na wakasan na ang digmaan. Ayaw niya nang may mapapasakripisyo o may magsasakripisyo pa kaya handa na rin siyang ibigay ang lahat sa alyansa para lang maipanalo nila ang laban. Ganoon man, sasapat na ba ang lahat ng kaya niyang ibigay para magwakas na ang kaguluhan? O kukulangin pa rin siya dahil mas handa ang mga diyablo sa kanilang digmaan? -- Illustration by Rugüi Ên Date Started: June 1, 2025 (wattpad) © All Rights Reserved.
Si Frisco at ang kaniyang Paraiso (Volume 2) by GinoongOso
GinoongOso
  • WpView
    Reads 177,045
  • WpVote
    Votes 22,094
  • WpPart
    Parts 81
Matapos niyang lisanin ang Takara para marating ang Kaharian ng Maraktan, magsisimula na si Frisco sa panibagong paglalakbay at pakikipagsapalaran. Nagawa niyang masagip ang buhay ng isang maharlika habang siya ay naglalakbay, at dahil sa maharlikang ito, malaking pagbabago ang mangyayari sa kaniyang buhay. Magagawa niyang marating ang Kaharian ng Maraktan at dito na magsisimula ang kanyang misyon para matupad ang pangako niya sa Takara. --
Bloodline of the Dragon by Last_Owl
Last_Owl
  • WpView
    Reads 90
  • WpVote
    Votes 12
  • WpPart
    Parts 5
Ashtyr: Tales and Legends 01: Bloodline of the Dragons Ang ikatlong bahagi ng kalupaan ng Arten ay binalot ng kadiliman at malamig na klima na pinaghaharian ng mga Skinge. Sila ang mga natatanging nilalang na nagtataglay ng mahika at kapangyarihan na kinatatakutan sa buong lupain. Ito ang kwento ni Hero, isang bata na napili ng mga dragon upang maging apoy na mag-aalab sa gitna ng kadiliman at siyang magbibigay liwanag at kalayaan mula sa mga Skinge. Paano niya lalabanan ang mga naghaharing nilalang kung isa lamang siyang pangkaraniwang bata? Sapat ba ang lakas ng kalooban upang wakasan ang walang hanggang kadiliman sa lupain upang masilayan ang mainit na liwanag ng isang tunay na umaga?
Takeover 3: Road to the Next Round (Completed) by RariroSensei
RariroSensei
  • WpView
    Reads 3,797
  • WpVote
    Votes 353
  • WpPart
    Parts 46
Matapos makapasok sa panghuling standing ng Regional Qualifiers, isang mas malaking hamon ang naghihintay sa Sogid Basketball Team-ang Grand Elimination, ang susunod na round. Upang mapanatili ang kanilang momentum at mapaunlad pa ang kanilang kakayahan, kailangang paghirapan nila ang bawat araw ng pagsasanay. Hindi man magiging madali ang laban sa susunod na round, ngunit handa ba silang harapin ang pinakamalalakas na kalaban upang maabot ang kanilang pangarap?
IMMORTAL DESTROYER: Deadly Foes [Volume 15] by Jilib480
Jilib480
  • WpView
    Reads 7,678
  • WpVote
    Votes 728
  • WpPart
    Parts 47
Sa pagtanggap ng mga misyon ni Wong Ming, ano kaya ang masasagupa nilang delubyo sa pagharap ng malalakas na mga kalaban. Mula sa existence ng makapangyarihang mga bantay sa mga delikadong mga lugar patungo sa sikretong itinatago ng mga ito. Magiging matatag ba ang pagkakaibigan kung buhay nilang lahat ang nakataya? Ano ang sikretong itinatago ni Earth Dawn maging ng binatang si Light Prime? Ating tunghayan ang masalimuot ngunit makapanindig-balahibong rebelasyon sa kanilang mga pagkatao.
IMMORTAL DESTROYER: Into The Darkness (Volume 14) by Jilib480
Jilib480
  • WpView
    Reads 12,116
  • WpVote
    Votes 1,176
  • WpPart
    Parts 49
Sa pagharap ni Wong Ming sa panibagong yugto ng buhay niya, magagawa niya kaya ng tama ang mabigat na misyong iniatang sa kaniya ni Faction Master Zhiqiang? Ano'ng klaseng misyon ito at bakit si Wong Ming ang piniling gumawa nito? Sa muling paglalakbay ni Wong Ming sa pambihirang mundong ito ay makakamit niya kaya ang tagumpay sa bago niyang katauhan o maghahatid itong muli ng panganib ng sarili niyang buhay?!
SUPREME ASURA: Lee Clan  [Volume 1] by Jilib480
Jilib480
  • WpView
    Reads 2,664
  • WpVote
    Votes 227
  • WpPart
    Parts 31
Matagal na panahon na ang nakalipas, ang Apat na Kaharian ay patuloy na lumalaban upang maghanap ng mas mataas na kapangyarihan at mangibabaw sa kapwa nila kaharian. Pumapatay pa nga sila ng walang awa para masolusyunan ang namumuong kaguluhang ginaganap sa kapwa nila kaharian. Ang Sky Flame Kingdom, Sky Ice Kingdom, Hollow Earth Kingdom at Wind Fury Kingdom, ang mga kahariang ito ay hindi kailanman uurong sa kanilang mga pansariling layunin at hinding-hindi kailanman makikita ang kanilang sarili na nasa ilalim. Sinasabing ang paglitaw ng Lungsod ng Dou na nagdudulot ng kapayapaan sa mga lupaing ito hanggang sa mga araw na ito dahil sa Kasunduan ng apat na kaharian na ito. Ngunit hanggang kailan magiging mabisa ang isang kasunduan o paano mas masusuportahan ng kapirasong kontrata na ito ang paparating na mga digmaan na gagawin ng bawat kaharian sa kapwa nila kaharian kung ganid ang nananaig sa kanilang mga puso? Sa edad na anim, napagtanto ng batang si Percy Lee ang hirap ng kanilang buhay dulot ng masama at malupit na pagtrato ng Sky Flame Kingdom na sumasakop sa kanilang angkan na Lee Clan. Ito ay usap-usapan na ang kanilang Lee Clan sa nakaraan ay nagpapagalit sa kanila ng Sky Flame Kingdom at hanggang ngayon ay nananatiling hindi nalutas na nagresulta sa ilang mapangwasak at kasawian ng Lee Clan sa mga kamay ng kahariang ito. Ang Lee Clan ay itinuturing na isang progresibong angkan sa nakaraan. Ang pagkakaroon ng ilang mahusay na tagumpay at pundasyon sa mga lupaing iyon na naninirahan sa mga progresibong angkan ngunit ngayon ay itinatapon sila sa mababang uri ng lupain sa Green Valley kung saan kailangan nilang magsimulang mabuhay muli at magpatuloy sa kanilang sariling pamumuhay. Ang sinasabi noon na nasa masaganang buhay ay nakabaon na sa nakaraan. Makakaligtas kaya sila sa kamay ng matataas na opisyal ng Sky Flame Kingdom kung sila ay mismo ay nananatiling mahina? .... REVISION 04-29-2024
IMMORTAL DESTROYER [VOLUME 13] THE DEADLY HARVESTS #GODLY SERIES #3  by Jilib480
Jilib480
  • WpView
    Reads 10,431
  • WpVote
    Votes 966
  • WpPart
    Parts 36
Isang Annual Harvest Month na naman ang nilahukan ni Wong Ming na siyang dinaluhan ng napakaraming outer disciple. Ano namang kakaibang karanasan ang maaaring maganap sa loob ng Old Amity Farm na siyang pagmamay-ari ng Flaming Sun Guild? Isa ba itong maituturing na biyaya o isang nagbabadyang panganib na naman ang kakaharapin ng lahat ng kalahok maging ng walang kaalam-alam na si Wong Ming? Start: July 20, 2023 End:
IMMORTAL DESTROYER [VOLUME 12] GODLY SERIES #3 by Jilib480
Jilib480
  • WpView
    Reads 9,337
  • WpVote
    Votes 882
  • WpPart
    Parts 30
Sakay-sakay ng limang malaking mga Giant Sun Condors ang lahat ng mga nanalong mga kalahok. Napakalaking ibon ito ngunit hindi maaaring sobrang dami ng sakay nito. Ang naunang apat na naglalakihang mga ibong ito ay mayroong mga ekspertong galing sa Flaming Sun Guild. Marami-rami din pala ang mga nasa huling sakay ng ikalimang Giant Sun Condor. Lahat ng mga ito ay mga miyembro ng Flaming Sun Guild. Talagang pinaghandaan ang paglipad nila patungo sa direksyon kung saan naroroon ang Flaming Sun Guild. Hindi maipagkakailang nasa apatnapot tatlo lamang ang naging matagumpay sa mga trials na siyang inaasahan na rin ni Wong Ming. Talagang nakalkula na ng mismong Flaming Sun Guild ang kukunin nilang mga disipulo. Hindi naman siguro iyon labag lalo pa't ang tanging gusto nga ng Flaming Sun Guild ay mas mababa pa rito. Maayos naman ang paglipad nila kung saan ay tanaw na tanaw ng lahat ang magandang aerial view ng Flaming Sun Guild sa malayo habang makikitang makikita ang nagtataasang mga pader na siyang humihiwalay at nagsisilbing proteksyon ng buong Flaming Sun Guild. Hindi aakalain ni Wong Ming na napakalaking guild pala talaga ito. Natatanaw niya ang ilan sa mga floating islands na iba't-iba ang mga laki at hugis ng mga ito na siyang mas nagpapaganda ng buong lugar na ito. Hindi mapigilan ni Wong Ming na malula sa mga views na ito. Ngunit nadismaya naman si Wong Ming dahil naalala niyang mag-uumpisa silang lahat bilang mga outer disciples ng Flaming Sun Guild. Start:June 30, 2023 End: July 13,2023
IMMORTAL DESTROYER [VOLUME 11] GODLY SERIES #3 by Jilib480
Jilib480
  • WpView
    Reads 8,914
  • WpVote
    Votes 844
  • WpPart
    Parts 29
Mula sa himpapawid ay unti-unting makikita ang maraming grupo ng mga nilalang na pumunta sa lugar ng Red City. Iba't-ibang mga kulay ang nakikita ni Wong Ming na suot-suot ng mga nilalang na ito maging ng mga simbolong nakatatak sa mga kasuotan ng mga bagong dating na mga nilalang. Buti na lamang at malawak ang parte ng lugar na ito na kasalukuyang ginaganap ang mga kompetisyon kung hindi ay baka nagsiksikan na sila sa dami ba naman ng mga lumahok maging ng mga gusto lamang manood ng labanan. Maraming usap-usapan ang nangyari ngunit mabilis ring nagbago ang lahat nang dumating ang mga pangunahing nangangasiwa ng kompetisyon na isinasagawa ng Flaming Sun Guild. Pansamantalang natigil ang mga kompetisyong nagaganap hanggang sa inanunsyo na lamang ng MC sa malakas at klarong boses na matutuloy ang nasabing kompetisyon ng Flaming Sun Guild sa susunod na dalawang linggo. Marami ang nadismaya at marami din ang natuwa ngunit para kay Wong Ming ay alam niyang tila mababago at mas hihirap ang kompetisyong ito. Isa sa pinakamalaki at pinakatanyag na guild sa tatlong mga naglalakihang siyudad ang Flaming Sun Guild. Misteryoso at tila kinatatakutan rin ang nasabing guild sapagkat ang pwersa nito ay hindi masukat at wala ring eksaktong lokasyon ang nasabing guild. Alam niyang hindi basta-basta ang Flaming Sun Guild. Bilang lamang ang nakakapasok rito at alam niyang hindi naman dadagsa ang marami pang mga kalahok galing sa iba't-ibang parte ng tatlong siyudad kung hindi tunay ang kredibilidad nang nasabing guild. Naiisip ni Wong Ming na ang ganitong pagbabago sa kompetisyong ito ay mas kailangan niyang paghandaan ang nalalapit na pagsasalang sa kanila. Alam rin niyang kung mayroon mang pagbabago ay pabor iyon sa kaniya o sa lahat sapagkat oportunidad ito para sa lahat, mapabata man o matanda habang ipinapakita bula ang kanilang kahusayan sa paglalaban o labanan. Start: June 9, 2023 End: