test
11 stories
A Kiss In The Moonlight - Sofia by Tadzrei2
Tadzrei2
  • WpView
    Reads 7,685
  • WpVote
    Votes 146
  • WpPart
    Parts 10
Kapitbahay nila si Luke. Halos magkatabi lang ang mga hacienda na pag-aari ng kanilang pamilya. Kaedad ito ng ate niya. Guwapo ito at mabait. Madalas pa nitong sabihing maganda siya kaya naman crush na crush niya ito. At kahit anim na taon ang agwat ng kanilang edad, alam niyang ito ang lalaking pakakasalan niya.
Second Best - Angel Bautista by Tadzrei2
Tadzrei2
  • WpView
    Reads 23,819
  • WpVote
    Votes 364
  • WpPart
    Parts 11
"Kailangan kong malaman kung alam mong ikaw lang ang gusto kong hawakan at halikan tuwing hinahawakan at hinahalikan kita." Buong buhay ni Jasmine, pakiramdam niya ay natatakpan siya ng anino ng kanyang panganay na kapatid. Her older sister Jessica was beautiful, intelligent, and perfect. Masyado niyang mahal ito para magselos siya rito. Kung magiging runner-up lang din siya, wala siyang angal kung sa ate niya siya runner-up. Maliban na lamang sa kaisa-isang bagay-sa pagmamahal ni Milton Esguerra, best friend nito at first and only love niya. After five years of being away, Milton came back for her sister. He was too late, though. Ikakasal na kasi ang ate niya. Siya ang napagbalingan ni Milton. Papayag ba siyang maging panakip-butas?
Wild Flower 1: A Liar's Kiss - Maricar Dizon by Tadzrei2
Tadzrei2
  • WpView
    Reads 15,969
  • WpVote
    Votes 211
  • WpPart
    Parts 12
"Makita ko lang na nakangiti ka, madikit ka lang sa akin at mahawakan lang kita nakakalimutan ko na ang ibang bagay." Bumalik sa Pilipinas si Stephanie at ang buong banda niya para mag-break at para mag-compose ng mga awiting gagamitin nila para sa kanilang anniversary album. Dahil wala naman siyang uuwiang pamilya sa Pilipinas, nagdesisyon siyang manatili sa isang exclusive resort upang doon mag-isip. Isang gabi, habang nanonood siya ng meteor shower sa dalampasigan ay nakilala niya si Oliver. Simbilis ito ng bulalakaw na lumapit sa kanya, hinalikan siya sa mga labi, at nawala sa kanya. Nalaman niya na nagbabakasyon din ito sa resort na iyon. She was drawn to him because he didn't seem to recognize her as a member of a popular band. So she ended up spending her days... and night with him. Subalit kung kailan akala niya ay magkakaroon ng magandang patutunguhan ang namagitan sa kanila ay nalaman niya ang katotohanan sa likod ng paglapit nito sa kanya. Na mula umpisa ay alam nito kung sino siya. That for him, she was nothing but a job he has to do to save his precious magazine...
Between An Old Memory And Us - Heart Yngrid by Tadzrei2
Tadzrei2
  • WpView
    Reads 13,548
  • WpVote
    Votes 239
  • WpPart
    Parts 22
Aera woke up one day with amnesia. Wala siyang maalala sa nakalipas na walong taon ng buhay niya. Pero natuklasan niyang hindi lang memory ang nawala sa kanya, kundi pati ang first love at boyfriend niyang si Bart. Ang masaklap pa, ang dating poorito at jologs niyang boyfriend ay isa nang bilyonaryo ngayon. Kung hindi sila naghiwalay, damay sana siya sa magandang kapalaran nito. Kaya naman hindi niya matanggap nang malamang ikakasal na sa ibang babae si Bart. In her hospital gown, she rushed to the church to stop his wedding. But the groom was mad at her. Apparently, malaki ang kasalanan ni Aera sa dating boyfriend. And now, he was determined to make her life even more miserable. Gusto talaga ni Bart ba pagsisihan niya ang ginawa rito. Pero determinado rin si Aera na mapabalik ang dating pagmamahal sa kanya ni Bart habang sinusubukang ibalik ang mga nawalang alaala sa piling nito.
When The Love Falls - Maricar Dizon by Tadzrei2
Tadzrei2
  • WpView
    Reads 25,654
  • WpVote
    Votes 320
  • WpPart
    Parts 10
"You don't have to wait anymore. I will not allow you to wait for a man other than me." Jemelyn was a conservative and hard-working career woman. At kapag sinabi niyang "conservative," that meant, hindi siya basta-basta bumibigay sa mga lalaki. Hindi siya tumitingin sa panlabas na anyo ng isang lalaki... mas tinitingnan niya ang ugali na malaking kabaligtaran ni Dillion Smith, ang lalaking walang ibang ginawa kundi ang galitin siya. Yes, he was dangerously handsome, pero masyadong mataas ang self-confidence nito na labis na kinaiinisan niya. Ayaw na ayaw niyang naglalalapit ito sa kanya. Pero nagbago ang tingin niya rito nang minsang iligtas nito ang buhay niya. Nakita niya ang magagandang katangian ng binata. Hanggang sa nahulog ang loob niya rito. Pero hanggang saan siya dadalhin ng nararamdaman niya gayong nabalitaan niyang may iba pa palang dahilan ang pagliligtas nito sa buhay niya?
Kailan Kita Pwedeng Mahalin - Angel Bautista by Tadzrei2
Tadzrei2
  • WpView
    Reads 12,167
  • WpVote
    Votes 202
  • WpPart
    Parts 11
My Love, My Hero: Heero - Sonia Francesca by Tadzrei2
Tadzrei2
  • WpView
    Reads 5,655
  • WpVote
    Votes 116
  • WpPart
    Parts 10
Nanganganib ang buhay ni Marron. Saksi siya sa pagkamatay ng isang kongresista. Dahil doon ay kinailangan niyang magtago mula sa posibleng pagsalakay ng mga salarin na nakakilala sa kanya. On the rescue naman ang kanyang Yaya Caring. Ipinrisinta nito ang lugar ng kapatid sa Tondo. Doon nakilala ni Marron ang magiting na barangay chairman na si Heero. Kahit antipatiko at walang modo ang impresyong ibinigay nito sa kanya, mukha namang gustong-gusto at mahal na mahal ang binata ng mga nasasakupan nito. Pero mukhang ayaw ni Heero sa kanya at sa pagtigil niya roon. Ngunit walang choice si Marron. Ayon sa yaya niya, si Heero lamang ang maaaring makatulong sa kanya kaya kailangan niyang pakisamahan ito nang mabuti. At sa kabila ng iritasyon, hindi napigil ni Marron ang sariling humanga kay Heero. Ramdam na ramdam niya ang pagsikdo ng kanyang puso tuwing pagmamasdan siya ng deep-set na mga mata nito na tumatagos kung tumitig.
Once And Again - Sonia Francesca by Tadzrei2
Tadzrei2
  • WpView
    Reads 6,197
  • WpVote
    Votes 81
  • WpPart
    Parts 10
"Minamahal kita kahit wala ka sa tabi ko... kaya makasisiguro kang mas mamahalin kita ngayong naririto ka na. Welcome back to my life again."
One Silly Kiss - Keene Alicante by Tadzrei2
Tadzrei2
  • WpView
    Reads 5,095
  • WpVote
    Votes 102
  • WpPart
    Parts 10
ILANG araw nang hindi nakikita ni Kraine si Nayan. At aaminin niyang nami-miss niya ito. Napabuntong-hininga siya habang nakapanga-lumbaba. "Nami-miss mo iyong mag-ama, ano?" tudyo ni Wica. "Si Nayan lang," depensa agad niya. "Iyong bata o iyong ama ng bata?" Pinandilatan niya ito. "Okay, sinabi mo, eh," sabi nito bagaman nasa tono pa rin ang panunudyo.