PAGES SERIES:
2 stories
Embrace Me Under The Sunset (Pages #1) by JaiInkLazy
JaiInkLazy
  • WpView
    Reads 15
  • WpVote
    Votes 1
  • WpPart
    Parts 2
Para akong tinalikuran nang mundo. Wala na ang lola na tinuring 'kong ina. Paano? Paano pa'ko magiging masaya kung ang tinuring kong tahanan at pamilya ay hindi manlang nakita ang pag-unlad ko, hindi manlang nakita ang pag tatapos ko sa kolehiyo, hindi manlang nakita na suot-suot ko ang uniporme nang kursong aming pinangarap- ang aming sabay na pinangarap. Magka-sunod na binawian nang buhay ang dalawang importante sa' kin. Na talagang pinapa-realize sa' kin nang mundo na walang handang matira at manatili sa' kin. Ubos na ubos na'ko. Nakakapagod, pati magulang kong mababa ang tingin sa' kin. Magulang kong ang tingin sa akin ay isang basura. Na para bang isa akong ibon na kailanman ay hindi na maaaring lumipad. I tried my best to understand them when I was a child, dahil baka may problema lang, baka pagod lang, baka sadyang maganda naman ang trato sa' kin pero ang iniisip ko ay hindi. Baka talagang mahal nila ako pero nakulangan lang sa oras. Pero nang lumaki ako, iba talaga eh. Kaya umalis ako, dahil hindi ko'na kaya-hindi kona kinakaya. Tinanggap ko naman na, na kailanman ay hindi ako naging parte nang pamilya nila, at kailanman ay hindi magiging. Pero masakit parin eh. Kinakamuhian ko sila, hindi dahil sa hinayaan nila ako, kundi dahil sa batang ako na hindi manlang naranasang sumaya, hindi manlamang naranasan makipag laro sa mga kaibigan sa labas, hindi manlamang naranasan ang kalinga mula sa isang tunay na magulang. Kahit na ganoon, nariyan s'ya, nanatili bilang 'kaibigan' hindi para sa romantikong gusto ko, dahil sa kaibigan kanyang pinanghahawakan. Hindi naba kaya talaga magbabago ang trato n'ya sa' kin? Hanggang dun nalang kaya talaga? Hanggang kaibigan nalang? Kasi kung hanggang dun nalang talaga ang turing n'ya sa' kin at kailanman ay hindi na mag babago, ire-respeto ko iyon, maaari na'kong bumitaw, maaari na'kong sumuko at manatili bilang isang kanyang kaibigan. 10/28/25