shin__nova
- Reads 379
- Votes 18
- Parts 15
Nagulat si Selene Navarro nang mabalitaan niyang kasama siya sa mga ililipat sa isang kilalang unibersidad sa Pilipinas. Lalo pa siyang natuwa nang malaman niyang magiging iskolar siya sa ilalim ng sponsorship ng ama ni Kenjie Salazar - oo, 'yung taong walang ginawa kundi i-bully siya noon.
Pero hindi niya inakala na ang akala niyang bagong simula... ay magiging simula rin ng mas mabigat pang laban.
Ano kaya ang naghihintay na kapalaran ni Selene sa unibersidad na 'yon, lalo na't nandun pa rin si Kenjie na parang wala pa ring pinagbago? At habang sinusubukan niyang makibagay, isang balita ang yumanig sa kanya - nawawala ang kapatid niya, at may nagsasabing patay na ito.
Sa kabilang banda, si Kenjie rin ay may sariling gulo. Ang puso niyang pilit lumalaban sa isang kasunduan ng pamilya - ipapakasal siya sa babaeng 'di naman niya mahal, kapalit ng kapayapaan at negosyo.
Paano haharapin ni Selene ang isang mala-impyernong buhay sa University of Higher Learning and Innovation? Paano niya kakayanin ang bigat na dala ng sariling pamilya, at ang tsismis na parang apoy na kumakalat sa paligid niya?
Pero ang hindi alam ng lahat - may isang lihim na magpapabago sa lahat.
At sa mundong 'to, ang bawat hakbang... may kaakibat na kapahamakan.
Handa ka na bang harapin ang mundong 'to - kung saan ang halaga ng katotohanan ay binabayaran ng sakit, luha, at pagkawala?
#HiddenTiesThePriceOfSecrets
𝑷𝒍𝒂𝒈𝒊𝒂𝒓𝒊𝒔𝒎 𝒊𝒔 𝒂 𝒄𝒓𝒊𝒎𝒆 𝒑𝒖𝒏𝒊𝒔𝒉𝒂𝒃𝒍𝒆 𝒃𝒚 𝒍𝒂𝒘.