WanderingHanWrites
Si Airi Kanzaki ay isang ordinaryong babae na piniling mamuhay nang malayo sa magulong mundo ng kanilang pamilya.
May sarili siyang trabaho, sariling tahanan, at tahimik na buhay na ayaw niyang guluhin ng kahit sino.
Hanggang sa isang araw, bigla siyang ipinakilala sa isang lalaking hindi niya inaasahang magiging bahagi ng buhay niya.
Jin Adamov.
Isang lalaking galing sa makapangyarihang pamilya na konektado sa mundo ng Yakuza. Palabiro, kumpiyansa, at tila walang kinatatakutan. Ngunit sa likod ng kaniyang ngiti ay isang lalaking kayang maging lubhang mapanganib kapag kinakailangan.
Hindi gusto ni Airi si Jin, at lalong ayaw niyang mapasangkot sa mundong ginagalawan nito.
Pero habang patuloy silang magkakasama, unti-unting nadadamay si Airi sa mga problema ng kanilang mga pamilya. May mga taong nagmamasid sa kaniya, may mga lihim na hindi sinasabi sa kaniya, at may mga panganib na hindi niya alam kung paano haharapin.
Sa kabilang banda, hindi rin niya lubos na maintindihan kung bakit patuloy na pinipili ni Jin na protektahan siya.
Habang mas lumalalim ang kanilang pagkakasangkot sa isa't isa, mas maraming bagay ang natutuklasan ni Airi tungkol sa pamilya ni Jin-at tungkol sa mismong lalaking pilit niyang inuunawa.
Dahil minsan, ang pinakamahirap kilalanin ay hindi ang taong kinatatakutan mo.
Kundi ang taong hindi mo alam kung dapat mong pagkatiwalaan.