Euphoria
heroseofyours
Isang simpleng buhay na sa isang iglap ay naging komplikado. Mula sa pagpapalayas kay Kikay ng kanyang tiyahin hanggang sa napunta siya sa kamay ng mga masamang tao, inakala niyang katapusan niya na nang mabunggo siya ng isang sasakyan habang tumatakas sa mga ito. Ngunit ang hindi niya alam ay nagsisimula pa lang ang pagbabago sa simpleng buhay niya. Si Clei na nakabunggo kay Kikay ay walang ibang nagawa kung hindi dalhin ang babae sa mansyon dahil sa awa. Wala sa plano niya ang patuluyin ito ng matagal at mas lalong wala sa plano niya ang pakasalan ito. Pero sabi nga nila, hindi mo pwedeng takasan kung ano ang nakatadhana.