TintangItik
BLURB
Ang akala ng lahat ay maswerte si Elziel sa kanyang asawa na si Maverick. Siya ay kinaiinggitan 'pagkat si Maverick ay isang prominenteng tao sa lipunan. Isang kilalang matagumpay na negosyante, pilantropo, mapagmahal. Ngunit sa likod ng magarang tahanan at masaganang buhay, si Elziel ay ikinukulong sa hawla. Isang tunay at literal na gintong hawla.
Kapag tumugtog na ang senswal na awitin, hudyat na upang painitin ni Elziel ang hawlang kinapipiitan para paligayahin si Maverick. Ang asawang psychopath, mapagbalat-kayo, isang lihim na mafia boss.
Kung may bahay-aliwan, ang kay Elziel ay hawla-parausan. Ang hawlang ito kung saan dinudurog ang kanyang damdamin, nilalapastangan ang pagka babae, at pinipiit ang pusong nangungulila. Ang gintong hawla ay piping saksi sa kanyang gabi-gabing pasakit sa kamay ng demonyong asawa.
But when hope begins to fade, buried beneath trampled dignity, a shattered heart, and broken dreams then comes the man of her destiny, Zoran.
Si Zoran, ang high school sweetheart niyang matagal nang dumistansya ay muling nagbalik. Ang katunggali noon ni Maverick sa mundo ng mafia na ngayon ay tahimik nang namumuhay bilang isang CEO.
"She's not your puppet nor your slave. She is a diamond. And now, she's finally mine," tahasang ani Zoran kay Maverick sa harap ni Elziel.
Paano tuluyan makakalas ni Zoran ang tanikalang humahadlang sa kalayaan ni Elziel? How could he possibly set her free from the cage of misery?
Si Elziel... ang babae sa hawla.