prplejoxyspen_27
- Reads 114
- Votes 86
- Parts 26
Kilala siya bilang isang taong may sariling mundo suplado at walang pakialam sa iba. Pero may isang tao lang ang nakakakita sa tunay niyang kulay: ako. Mula elementarya, magkasama na kami. Naging best friends, at halos hindi na mapaghiwalay.
Ngunit ang hindi ko inaasahan, ang simpleng pagkakaibigan ay biglang nagbago. Parang may ibang kuryente na dumadaloy sa tuwing magdidikit ang aming mga balat. Bawat sulyap, bawat ngiti niya, nagdudulot ng kakaibang kilig.
Pero teka, bakit ganito? Hindi pwede 'to! Best friend ko siya, at hindi ako pwedeng mahulog sa kanya. Ayokong masira ang matagal na naming pinagsamahan dahil lang sa isang pagkakamali.
Kaya heto ako, pilit na nilalabanan ang nararamdaman. Sinusubukan kong magpanggap na walang nangyayari, pero sa tuwing lalapit siya, para akong matutunaw. Paano ko nga ba mapipigilan ang puso kong unti-unting nahuhulog sa kanya? At paano kung isang araw, malaman niyang may lihim akong pagtingin sa kanya?