eymnot_you
Is love sweeter the second time around?
Paano na lang kung, sa pangalawang pagkakataon ay may sikreto kang nalaman mula sa iyong sinisinta?
Aminado si Jomar na hindi madaling umusad mula sa nabigo niyang pag ibig sa dating kasintahang si Janessa, dahil nakabuo na siya ng mga plano at pangarap na ito ang naging centro. Ngunit ng iniwan siya ng dalaga na wala man lang maayos na komunikasyon, at bigla itong sumulpot paglipas ng maraming taon ay tila ba nagtataksil na naman ang sugatan pa rin niyang damdamin.
Maging dahilan kaya si Janessa ng tuluyan niyang paghilom? O mas tuluyan pa siyang masira sa lihim na kaniyang matutuklasan?