Innalicious21
Marami ng nagtaka kung bakit hindi bitter si Alexandra sa broken relationship niya. Niloko man siya ng ex-boyfriend niya, wala siyang makapang bitterness sa kanyang puso. Pero gaya rin ng mga taong gustong makapag-move on, pinili niyang ibuhos na lamang ang atensiyon sa kanayng writing career.
Sa hindi inaasahang pagkakataon ay muli niyang nakita si Caden ang estrangherong lalaking inaasar niya noon. Sino ba naman ang mag-aakalang best friend pala ng daddy niya ang namayapang ama nito?
In-snob lang ni Caden ang beauty niya. And she took that as a challenge. Subalit magagawa ba talaga niyang makuha ang atensiyon ng lalaking hanggang sukdulan na yata ang galit sa mga spoiled brat na tulad ni Alexandra?.
Copyright (c) 2015 By: Innalicious21