syanalimax
- Reads 5,118
- Votes 414
- Parts 9
Si Riz ay isang corporate employee na halos araw-araw ay nilalamon ng stress dahil sa kanyang manager na walang ibang ginawa kundi ipasa sa kanya ang mabibigat na trabaho. Pakiramdam niya'y matagal na siyang bumigay kung hindi lang dahil kay Mia, ang paborito niyang barista sa paborito niyang coffee shop, ang Black Ivory. Sa bawat tasa ng kape at bawat ngiting ibinibigay ni Mia, nakakahanap si Riz ng dahilan upang magpatuloy. Dahil dito, halos araw-araw siyang tumatambay sa Black Ivory, hindi lamang para sa kape kundi para na rin makita ang taong nagsisilbing pahinga sa kanyang magulong buhay. Ngunit isang gabi, matapos ang isa na namang nakakapagod na araw sa trabaho, may napansin siyang pares ng sapatos sa dulo ng eskinitang katabi ng coffee shop. Dahil sa magkahalong pag-aalala at kuryosidad, sinundan niya ito at doon niya nakita ang isang babaeng tila walang pakialam sa mundo-nakasandal sa pader, tahimik na naninigarilyo habang pinagmamasdan ang dilim ng gabi.
Hindi alam ni Riz na ang simpleng gabing iyon ang magiging simula ng isang kuwentong babago sa takbo ng kanyang buhay.