Jing_jing215
This story is inspired by the song "Balang Araw" by I Belong to the Zoo.
Sa ilalim ng malamig na liwanag ng buwan, dalawang pusong paulit-ulit na nagkakasalubong ngunit hindi kailanman nagtatagpo nang buo. Si Bianca, isang babaeng laging naghihintay, umaasa, at patuloy na nagmamahal sa kabila ng paulit-ulit na sakit. Si Adrian, isang lalaking hindi kayang manatili ngunit hindi rin kayang lumayo nang tuluyan.
Sa bawat gabi ng pangungulila, sa bawat saglit ng kahinaan, muli silang bumabalik sa isa't isa kahit alam nilang pagsapit ng umaga, parehong sugatan na naman ang kanilang mga puso.
"Balang Araw" ay isang kwentong puno ng sakit, panghihinayang, at mga salitang hindi masabi. Isang kwento ng dalawang taong itinadhana para magmahal, ngunit hindi para magtagal.