chandraopaee
Nung lumipat si Leo Aaron Z. Anther sa prestigious Soujiyu National High School (SNHS), instant siyang naging campus heartthrob. Gwapo, matangkad, cute, rich, at matalino-parang siya na talaga ang ultimate dream guy ng lahat ng girls. Sa sobrang grabe, may isang girl pa ngang nakipag-break sa boyfriend niya just for a chance to be with him.
Pero hindi lahat ay nahulog sa charm ni Leo.
Diyan papasok si Ria Lirianna L. Dela Cruz-ang reigning star ng school. With a fashion designer mom, a billionaire tech CEO dad, at successful career bilang model at actress, sanay na si Ria na siya lagi ang nasa spotlight. Hanggang dumating si Leo.
She despises him for stealing her spotlight... pero paano kung unti-unti, yung hate na nararamdaman niya, magbago into something else?
Magkakadevelopan kaya sina Leo at Ria kahit nagbabanggaan ang mundo nila-o pipigilan ni Ria ang puso niya dahil sa pride at attitude niya?