IzaiahDennis
Si Celestino Ramirez, isang bihasang panday, at si Franklin Cornelius, isang sundalong Amerikano, ay minsang naging magkakampi laban sa mga Kastila. Ngunit nang magbago ang direksyon ng digmaan at sa pagtaas ng bandilang Amerikano sa Pilipinas, nasubok ang kanilang pagkakaibigan.
Sa gitna ng kaguluhan, naroon din sina Carlo, ang tapat na apprentice ni Celestino, at si Margret, ang matapang na anak na dalagita ni Cornelius - mga dating magkaibigan na ngayo'y naging magkaaway. Sa paglalim ng sigalot, naglalaban din ang kanilang paninindigan at mga damdaming umiibig.
Habang patuloy ang pagtaas ng tensyon sa pagitan ng dalawang lahi, kailangang pumili ang mga panday: pag-ibig, pagkakaibigan o paglaban alang-alang sa kalayaan.
Saksihan ang isa sa mga nakalimutang kabanata ng kasaysayan-sa pamamagitan ng mga matang minsang lumikha ng mga sandata!
***
Ecclesiastes 3:1, 8 (NIV)
"There is a time for everything and a season for every activity under the heavens... a time to love and a time to hate, a time for war and a time for peace."