liliwanag
- Reads 175
- Votes 104
- Parts 12
Hindi madali ang maging manunulat. Matapos makapag-publish ni Yura Valencia ng kaniyang ika sampung libro, dumaan siya sa matinding Writer's Block kung saan siya ay nahirapan bumuo ng panibagong kuwento. Sa tulong ng kaniyang Manager, napagpasiyahan niyang mag travel nang walang destinasyon, kung saan lamang siya mapadpad, upang humanap ng insipirasyon at bumalik bitbit ang kakaibang kuwento.
Ngunit sa isang liblib na kakahuyan, nauubusan siya ng gasolina at napilitang maglakad patungo sa kawalan, ngunit nang magtagal, ibang mundo ang kaniyang nadatnan. Malayo sa nagtataasang building sa siyudad at maiingay na busina ng mga sasakyan. Tumambad sa kanya ang isang kalesa at babaeng nakasuot ng baro't saya kung saan tila bumalik sa nakaraan.
Ang city girl na manunulat ay napadpad sa taong hindi niya kinabibilangan sa hindi niya maipaliwanag na dahilan. Kalesa, baro't saya, mahihigpit na patakaran ng pamahalaan, at mga matang mapang-husga ang kaniyang nakasalamuha habang siya ay humahanap ng paraan pabalik sa kaniyang tunay na taong kinabibilangan.
Sa gitna ng panahong hindi niya kilala at mundong hindi kanya, mapipilitang harapin ni Yura ang kasaysayan nang harapan-at baka roon niya matuklasan ang kuwentong matagal na niyang hindi masimulan.