Jelaylibs
All I wanted was a quiet, normal life. Pero isang utos lang ni Mama, biglang nagbago ang lahat. Para sa ikauunlad daw ng negosyo namin, kailangan kong pakasalan si Rafael Reid Cojuanco - heir ng Cojuanco empire at kilala sa pagiging cold at unreachable.
Hindi ko siya kilala. At kung kilala man, hindi ko siya gusto. Pero para kay Mama, ito lang daw ang paraan para maging business partner ng mga Cojuanco.
Sa simula, puro away, tampuhan, at pilitang ngiti ang meron sa amin. Pero habang tumatagal, napapansin ko... may mga tingin si Rafael na parang may tinatago. At bakit parang ako na mismo ang nahuhulog sa lalaking hindi ko pinili?
Ito ang kwento ng isang pusong pinilit... at natutong magmahal.