AndreaCornilla
Sa bayan ng Calapan, noong panahon ng mga Kastila pa lamang ang namamahala sa bansa, si Leonora Francesca Benitez na isang mestiza española ay isinilang na may bingot, isang kapintasang itinuring ng kanyang pamilya at ng mga tao bilang sumpa. Naging madilim na bahagi ng kanyang pagkatao ang kanyang labi na animo'y isang labi ng kuneho. Itinago sa likod ng mga kurtina ng kanilang hacienda, at natutunan mabuhay sa katahimikan, hanggang sa makilala niya si Lorenzo Cojuangco, isang mestizo sangley na magpaparamdam sa kanya ng unang pag-ibig... at unang pagtataksil.
Malupit ang mundo kay Leonora. Itinago siya ng kanyang mga magulang, at pinalitan ng ibang tao na kayang ipagmalaki ng mga ito. Naglaho siya na parang bula at wala man lang naghanap. Sinubukan niyang mabuhay pa, subalit puro kabiguan ang hatid ng buhay sa kanya.
Hanggang sa isang mahiwagang babae na si Aine, ang naghandog sa kanya ng isang regalo bago niya tuluyang wakasan ang kanyang buhay.
Ngunit ano ang kanyang gagawin sa isang handog na dinala siya sa hinaharap, sa taong 2025 na magulo, makabago at magpapabago sa takbo ng kanyang mundo?