Kyeona30
Sa St. Verity Academy, kilala si Seren Valmoria bilang tahimik, masunurin, at walang kahina-hinala. Isa lamang siyang ordinaryong estudyante o ganoon ang akala ng lahat.
Ngunit sa likod ng kanyang maamong ngiti ay isang pulang kuwaderno na puno ng mga pangalan, oras, at lihim na hindi dapat mabasa ng kahit sino.
Isa lang ang sigurado:
Mahal niya si Eli.
At kapag nagmahal si Seren, hindi siya humihinto sa pagmamasid.
Hindi siya natatakot maghintay.
At lalong hindi siya magdadalawang-isip na alisin ang sinumang maging hadlang.
Sa mundong puno ng tsismis, selos, at pekeng ngiti, hanggang saan ang kaya mong gawin para sa pag-ibig?
Crimson Notes ay isang kwento ng tahimik na obsession, delikadong pagmamahal, at mga desisyong isinulat...
bago pa man mangyari.