Eilla_sam's Reading List
20 stories
Hindi Huwad ang Pag-ibig ko by JoannaHurgo
JoannaHurgo
  • WpView
    Reads 26,855
  • WpVote
    Votes 477
  • WpPart
    Parts 15
Dati'y parang prinsesa si Laarni sa isang fairy tale story. Magagara ang mga kasuotan, mararangya ang mga okasyong dinadaluhan. At maging ang pagmumodelo ay isa lamang libangan at hindi hanapbuhay para sa dalaga. Hanggang sa mamatay ang kanyang ama. Wika nga'y doon natapos ang kanyang maliligayang araw. Nakatakda palang siya ang magbayad sa hiram na luhong ipinalasap nito sa kanya. Kaya ba niyang manloko ng isang tao mapanatili lamang ang kinasanayang buhay? Paano kung ang taong lolokohin niya ay kasingtunog ng milyonaryong si Adam Montelibano? At paano rin kung matuluyan siyang mapaibig dito?
Di Sinasadyang  Dayain Ka by JoannaHurgo
JoannaHurgo
  • WpView
    Reads 21,417
  • WpVote
    Votes 394
  • WpPart
    Parts 12
#helenmeriz Sikat na romance writer si Shanna. Minsang kinapos siya ng paksang maisusulat ay napagtuunan niya ng pansin ang incompetent at kinabubuwisitang katulong na si Myra. At nabuo sa isip niya ang isang weird na ideya: ang magpanggap na katulong sa isang mayamang pamilya! Sa una pa lamang ay susuko na sana siya. Hindi lamang niya maiwan si Miguel, ang isa sa kanyang naging amo. Lihim siyang umiibig sa binata at palagay niya ay nagkasimpatiya rin ito sa kanya. Pero paano siya mapapatawad ng lalaki kapag nalamang pinaikot lamang niya ito sampu ng buong kapamilya?
NAIS KONG LIMUTIN KA| BY: HELEN MERIZ by kiaralakshmi
kiaralakshmi
  • WpView
    Reads 13,962
  • WpVote
    Votes 87
  • WpPart
    Parts 18
NANG makatanggap siya ng imbitasyon sa kasal mula sa kanyang step-sister, hindi inaasahan ni Paula na muling magku-krus ang landas nila ni Ed. Muling nabuhay ang damdaming inakala niyang nabaon na sa limot dahil sa tagal ng panahong lumipas. Muling nanariwa ang sugat na naghilom na noon. Ngunit sa pagtataka niya'y si Ed pa ang may ganang manumbat at mapoot sa kanya- imbes na siya!
Almost A Fairy Tale  by Martha Cecilia by PHR_Novels
PHR_Novels
  • WpView
    Reads 620,760
  • WpVote
    Votes 12,184
  • WpPart
    Parts 25
"I want you, Ella. At alam kong iyan din ang nararamdaman mo para sa akin. So, please don't let that stupid frog come between us."
With This Ring (COMPLETED) by MarthaCecilia_PHR
MarthaCecilia_PHR
  • WpView
    Reads 1,111,341
  • WpVote
    Votes 24,334
  • WpPart
    Parts 22
"One day, I'll teach you how to make love... at minsan, parang hirap na hirap akong hintayin ang araw na iyon... when you're this close..." Hindi niya alam kung sino siya at kung saan siya nagmula. Ang tanging alam niya ay kailangang makatakas siya sa mga ahente ng white slavery na tangkang dalhin siya sa Maynila. Sa pagtakas, sa isang cargo ship siya napatakbo. Napapasok sa isang bakanteng cabin at nagtago sa closet. Hindi nagtagal ay dumating ang umookupa ng cabin. At mula sa closet ay kitang-kita niya nang maghubo't hubad si Gino! Sa tingin niya ay tila ito isang "Greek god"! Paano siya lalabas? Saan siya pupunta? Naglalayag na ang cargo ship!
Iniibig Kita...Mahirap Bang Sabihin Iyon? - A Novel by Martha Cecilia by Ryzfair30
Ryzfair30
  • WpView
    Reads 51,475
  • WpVote
    Votes 833
  • WpPart
    Parts 13
Her life was complete and satisfied. Iyon ang mantra na laging inuusal ni Larissa sa sarili. Kung physical attributes ang pag-uusapan, she deserved a second look. Men came and then were gone. Wala siyang seryosong relasyon dahil sa sandaling makakita siya ng kahit bahagyang maipipintas sa boyfriend ay agad niyang tinatapos ang hindi pa man nagkakaugat na relasyon. Until Jack. Isang cowboy sa Ilocandia. Gorgeous and sexy. At marami siyang maipipintas dito. Isa na rito ay hindi gustong bigkasin ng lalaki ang salitang mahal siya nito. And yet he wanted to marry her for a reason. And she found out she loved this imperfect man. At hindi niya gustong pakawalan ito sa kabila ng wala namang relasyong tatapusin. Credits to the rightful owner ©️ Martha Cecilia PHR
GEMS: Dahil Mahal Kita (Teaser) by Imperfect_Philozoic
Imperfect_Philozoic
  • WpView
    Reads 64,578
  • WpVote
    Votes 960
  • WpPart
    Parts 14
It was a "forced" marriage. Nagpakasal si Marianne kay Victor dahil kailangan. Kahit ang mahal niya ay ang kapatid nitong si Rogel, tinanggap niya sa sariling ito ang kanyang kapalaran. At sino ang hindi mai-in love sa isang katulad ni Victor? Guwapo, matikas, responsable. Kahit paulit-ulit tangkain ni Marianne na tanggihan ang mga halik nito ay parang yelong agad na natutunaw ang kanyang depensa sa haplos pa lamang ng lalaki. Ngunit isang araw ay nakita ni Marianne si Victor sa piling ng ibang babae. At si Victor, nakita si Marianne sa mga bisig ng dating katipan. Pero sino nga ba ang nagtaksil kanino?
My Love My Hero: JSS (Teaser) by YroEno
YroEno
  • WpView
    Reads 68,627
  • WpVote
    Votes 781
  • WpPart
    Parts 18
JSS was intrigued when he saw Sandra crying desperately in a semi-darkened office room. Namumugto ang mga mata at namumula ang ilong nito sa kakaiyak. At ang higit na nakakaintriga kay JSS ay hindi siya kilala ng dalaga. And for the life of him, he was there and coaxed her to pour out to him her problems. And on top of all that, inialok niya ang sarili sa dalaga bilang kahalili ng taksil nitong boyfriend. Subalit paano pakikibagayan ng isang tulad ni Sandra ang isang man of the world na tulad ni Jaime San Sebastian?
PHR CLASSICS: Marry Me, Stranger (Teaser) by Imperfect_Philozoic
Imperfect_Philozoic
  • WpView
    Reads 78,183
  • WpVote
    Votes 1,066
  • WpPart
    Parts 13
Desperado ang lolo niyang magpakasal siya sa isang malayong kamag-anak upang mapanatili ang linya ng kanilang angkan. Kung hindi gagawin ni Joanna iyon ay ang lolo niya mismo ang magpapakasal sa nurse nito at ipamana rito ang Villa de Vierre na tatlong henerasyon nang pag-aari ng kanilang angkan. Gagawin niya ang lahat huwag lamang mawala sa angkan niya ang villa kahit na bayaran niya ang isang estranghero upang magpanggap na asawa niya. But when things didn't work to her advantage, she offered the handsome stranger half of her inheritance, pakasalan lamang siya nito nang totoo. She gambled everything, including her heart.
GENARO by SaiRhieneDeGuzman
SaiRhieneDeGuzman
  • WpView
    Reads 4,257
  • WpVote
    Votes 84
  • WpPart
    Parts 11
Pagbaba pa lamang ni Thalia mula sa kotse ay nais nang pabalikin ni Genaro sa pinangalingan ang dalaga. Walang buting maitutulong sa mga minero ang mapuputing legs ni Thalia na pinalitaw ng micro mini na suot nito. At kung hindi man magkapatayan ay tiyak na magkakagulo ang lahat ng lalaki sa mine site kapag hinayaan nya roon ang presensya ng spoiled brat na anak ni Don Sebastian. Ngunit matigas ang ulo ni Thalia, at kahit anong pananakot ni Genaro ay determinado ang dalaga na manatili sa minahan hanggang gusto nito. Walang mapagpipiliian, ginamit ng binata ang huling paraang natitiyak niyang magiging dahilan upang layuan si Thalia ng mga lalaki. Sa harap ng mga minero ay niyakap at hinalikan ni Genaro ang dalaga tanda na pag-aari na niya ito. He wanted to tag her with his name. Para lamang sana sa kapakanan ni Thalia. Ngunit sa ginawa niya'y kasal ang hininging kapalit ng ama ng dalaga.