MissAventura
"MAHAL KITA"
Napakasarap pakingggan hindi ba? Isang kataga na kayang magdala sayo sa isang umaapaw na saya. Isang salita na magbibigay kulay sa mga ngiting gustong lumaya mula sa iyong mga labing kay tagal nagtago. Isang salita na bubuhay sa pusong matagal nang nahimlay sa pagkakatulog.
Ngunit sa kabila ng lahat. Isa din itong SALITA na maglalagay saiyo sa bangin ng sakit at ng pait. SAKIT at PAIT na magbabalik sa unang mong naging pasya nang ikaw ay masaktan sa parehong dahilan. Dahilan, dahilan kung bakit maniniwala kang muli na sa mundong ito, isang salita lamang ang mamamayani. Salitang kailanman hindi mo na nais pang marinig. Isang salitang inalisan mo ng karapatang maging bahagi ng buhay mo. Ang salitang MALAYA KA NA.