b
3 stories
Boss Baby (COMPLETED) UNDER EDITING by TheRealMinieMendz
TheRealMinieMendz
  • WpView
    Reads 2,160,044
  • WpVote
    Votes 46,660
  • WpPart
    Parts 33
Nasa trenta anyos na si French Nicole Lacubtan, kaya nais na niyang magkaanak sa lalong madaling panahon. Sa kadahilan ay palagi na lang siyang tinutukso ng mga kaibigan niya na hindi na daw siya magkakaanak pa sa edad niya. Mawawala na ang edad niya sa kalendaryo, kaya naman ay nangangamba siya na hindi na nga magkaanak. Lalo't may lahi ang pamilya niya na mga tumatandang dalaga. Maswerte na lang ang ina niya dahil naihabol pa siya bago ito mag-fourty. Kaya naman ay nakumbinsi siya ng kaibigan na magpabuntis na lang. Wala naman kasi siyang boyfriend, dahil sino ba ang magkakagusto sa katulad niyang manang manamit, hindi kagandahan, at palagi pang subsob sa trabaho? Kaya naman, para magkaanak ay naghanap sila ng friend niya ng lalakeng may magandang lahi na p'wedeng bayaran para buntisin siya. Pero ang isang misyon ay naging disaster. Nabuntis nga siya, ngunit maling lalake naman. At lalo siyang nalagay sa alanganin dahil sa nagawa niyang pagkakamali ay naging bangungot sa kanya. Hindi niya akalain na ang ama ng pinagbubuntis niya ay siyang magiging amo pala niya. Copyrights 2018 © MinieMendz
The Male Ruler Woman (COMPLETED) Under Editing by TheRealMinieMendz
TheRealMinieMendz
  • WpView
    Reads 1,809,632
  • WpVote
    Votes 37,538
  • WpPart
    Parts 35
Hindi naman siya kagandahan pero bakit kaya siya pa ang pinag-aagawan? Pilit niyang umiiwas pero ang mahanging hatid na dala ng mga hari ay hindi niya maiwasan. Naiipit siya sa mga tinaguriang hari ng Esteban University. Takot siya lalo na sa King of Devil na si Greyson Martin Esteban, ang pinakamasamang nilalang na ata na nakilala niya. Kabaligtaran sa hinahanga niyang si Lincoln Porter Smith, ang hari na isang Angel, Mabait, at Gentleman para sa kanya. Hindi niya kailanman hiniling na mangyari sa kanya na magustuhan siya ng dalawang hari na tingin niya ay bangungot sa buhay niya. The Obsession of Greyson Martin Esteban. READ AT YOUR OWN RISK!!!!!
The Slave Playboy (COMPLETED) UNDER EDITING by TheRealMinieMendz
TheRealMinieMendz
  • WpView
    Reads 888,290
  • WpVote
    Votes 19,011
  • WpPart
    Parts 31
Sa angking ganda at alindog na taglay ni Arwena ay walang lalakeng makalapit at humawak man lang. Nagtatrabaho siya sa isang club bilang manager, kaya sanay na siya sa mga lalakeng nagpapantasya sa kanya. Hanggang mapadpad sa paraiso club na pinagtatrabahuan niya ang magkakaibigang estudyante, at may nakapukaw ng kanyang pansin. Ang isa sa mga estudyanteng titig na titig sa kanya. Sanay na siya sa ganoong klaseng tingin kaya binalewala na lang niya. Ngunit hindi niya akalaing hahantong sa puntong magkakagusto sa kanya ang mas bata sa kanyang si Edward. Masugid itong sinusuyo siya hanggang sa gawin nito ang lahat ng pinag-uutos niya kahit na maging babaero ito dahil lamang sa pagsunod sa lahat ng utos niya. Hindi niya mapigilang mahulog rito sa kabila ng malayong agwat at kanyang nakaraang hindi masabi sa binata. Muli siyang nahulog sa isang lalakeng sa huli ay iiwan siya dahil sa maling akala. Umibig na siya nung una sa dating kasintahang si Max na naging dahilan kung bakit ang pagkatao niya ay puno ng pait at lamig. Nais niyang magpaliwanag kay Edward ngunit hindi nito pinakinggan ano mang paliwanag niya, bagkus ay tinawag pa siyang mitress ng ama nito. Ginawa lahat ni Arwena upang patunayan ang sarili at may makamit sa sarili. Bumalik si Edward matapos ang ilang taon, at sa pagbabalik nito ay isang mailap at malamig na trato ang sinalubong nito sa kanya. Maibabalik pa ba ang dati kung ang katotohanan ang magiging dahilan para siya naman ang makaramdam ng pait at galit para kay Edward? Maitatama pa ba ng pag-ibig ang naging dahilan ng lahat? At huli, makakamtam na ba niya ang hustisyang kay Edward lang pala niya matatagpuan?