Geminiyaa_
Si Hiraya Sandoval ay isang binibining lumaki sa ilalim ng mahigpit na pamamalakad ng kaniyang pamilya sa Valeria, kung saan inaasahan siyang maging huwarang dalaga na masunurin at tahimik. Sa kabila nito, unti-unting nabubuo sa kaniya ang matinding pagnanais na makawala at makita ang mundong lampas sa kaniyang bintana, hanggang sa isang araw ay pinili niyang tumakas upang hanapin ang kalayaang matagal niyang inaasam.
Sa kaniyang paglalakbay, nakilala niya si Dr. Adonis Ferrer, isang doktor na sanay sa realidad ng buhay at kamatayan, na hindi inaasahang naging bahagi ng kaniyang paglalakbay patungo sa mas malawak at mas masalimuot na mundo.
Ngunit sa bawat hakbang na kanilang tinatahak, hanggang saan nila kayang yakapin ang katotohanan kapag ang mundong pinapangarap ni Hiraya ay hindi kasing ganda ng inaakala niya?