Jimboydevibar14
Hanggang kailan ka magpapakamartyr sa isang taong wala namang pakialam sa'yo? Kailan ka matutong sumuko kahit alam mong harap harapan kana nyang linoloko? Paano mo mapaglalaban ang pagmamahal na dapat ay ibibigay niya sayo na naangkin na ng iba?
PROLOGUE
KEN'S POV
Ako nga pala si Ken Andrei Travis. Labing siyam na taong gulang. Isa ako sa mga hinahabol habol ng mga lalaki, babae, at binabae sa amin. Isa akong Discrete bisexual at alam yun nina mommy at daddy. Sa tradisyon namin di na bago ang Arrange Marriage kaya di ko na ipinagtataka kung bakit ako pinagkasundo ni Mama sa isang kasosyo daw nila sa trabaho. Yes mayaman kami pero parang ang hirap hirap ko dahil hindi ako makapili sa gusto ko. Hindi ko na sila kinontra sapagkat alam ko naman para ito sa aming kompanya. Ang asawa ko naman ay tuwang tuwa habang ako naman ay napapangiwi dahil sila lang naman ang may gusto sa kasalang ito. Wala na akong kawala dahil sa ayaw at sa gusto ko ikakasal kami.
FAST FORWARD
Isang taon ang nakalipas matapos naming ikasal ni Henry. Yes he is Henry Alvarez isang mayamang business Tycoon na naging asawa ko dahil sa sapilitang pagpapakasal. Pinilit kong maging cold sa kanya ngunit di parin sya sumusukong suyuin ako. Natutunan ko man siyang mahalin ngunit hanggang sa papel nalang talaga ang aming kasalan.
FAST FORWARD
Nagkaroon ng isang promotion party para sa pagkakapromote ko bilang CEO at sya rin ay magiging CEO ng kanilang kompanya. Masayak lkami dahil mapapasaamin narin ang business nila mommy at daddy. Isang masayang gabi ngunit kagimbal gimbal ang sumunod na pangyayare sapagkat may ahas na nanunuklaw na nakapasok sa bulwagan. Nasa gitna kami ng aming kasiyahan. Lasing na lasing na ako non at pumunta na ng CR upang umihi ako. Kaya pala wala si Henry sa set kanina kase eto sya sa Cr masayang nakikipagtalik sa Secretary nya. Biglang tumulo ang nagbabadyang luha ko na inipon ko talaga habang pinapanood ko sila na hingal na hingal sa kanilang ginagawa. Ewan pero nasasaktan ako.