celestialciel
College Trans Series #1
Alexander Killian Acevedo x Novanne Soleil Knox
Si Soleil, o mas kilala bilang Lily, ay isang kolehiyalang Transgender na nag-aaral ng Fine Arts sa Unibersidad ng Santo Tomas (UST). Siya ay may napakaganda at maamong mukha, maputi at makinis na balat, masiyahin, at masayang kasama. Higit sa lahat, masipag siya sa pag-aaral kaya hindi nakapagtatakang marami ang humahanga at nagkakagusto sa kanya dahil sa kanyang angking kagandahan at kabaitan.
Lumaki si Soleil sa isang disenteng pamilya at masasabing may kaya sa buhay dahil parehong nasa larangan ng medisina ang kanyang mga magulang. Ngunit kahit nabibili niya ang lahat ng kanyang naisin, nakakain ang mga gustong pagkain, at napupuntahan ang mga lugar na nais niyang marating, tila ba hindi pa rin siya lubos na masaya... tila may kulang pa rin sa kanyang buhay na patuloy niyang hinahanap-hanap.
Si Killian naman ay isang mag-aaral ng Civil Engineering sa Unibersidad ng De La Salle (DLSU). Guwapo, matangkad matalino at Academic achiever. Isa siyang manlalaro ng basketball at kabilang sa koponan ng Green Archers. Sikat siya sa kanilang paaralan dahil sa kanyang galing sa paglalaro. Pinagkakaguluhan din siya ng maraming kababaihan dahil sa kanyang kaguwapuhan, makisig na pangangatawan, at magandang tindig. Ngunit kilala si Killian sa pagiging masungit, dahil pag-aaral at basketball lang kanyang focus.
Lumaki si Killian sa isang mayamang pamilya at nag-iisang anak ng isang tanyag at prominenteng may-ari ng isang malaking kumpanya sa bansa. Kaya bata pa lang siya, alam na niyang may malaking responsibilidad na naghihintay sa kanya-dahil ang isang pagkakamali niya ay maaaring makasira sa pangalan ng kanilang pamilya.
Paano kung magtagpo ang kanilang landas sa hindi inaasahan?