DarkInkeo
- LECTURES 7,539
- Votes 200
- Chapitres 14
Ang makahanap ng trabaho sa panahong ito ay parang makahanap ng matinong jowa-parang imposible. Pero nang makita ni Zhyra ang isang job posting na naghahanap ng personal maid na may HIGH SALARY at FREE ACCOMMODATION, hindi na siya nagdalawang-isip. Pero may isang kakaibang requirement... VIRGIN?!
Sa kabila ng pagdududa, tinanggap ni Zhyra ang oportunidad. Hanggang sa tumapak siya sa loob ng isang engrandeng mansion at makaharap ang misteryosong may-ari nito-Luciven Kallisto. Mapanganib ang kanyang aura, nakakatunaw ang titig, at sa isang iglap lang, parang kaya niyang baliktarin ang mundo ni Zhyra.
At nang diretsahang tanungin siya ng lalaking ito ng, "Virgin ka ba?"-hindi niya alam kung trabaho pa nga ba ang pinasok niya... o isang laro na hindi niya kayang takasan.
"Patunayan mo sa akin."
At doon nagsimula ang isang laban na hindi lang tungkol sa trabaho... kundi sa isang panganib na maaaring magdala sa kanya sa kapahamakan-o sa isang kapalarang hindi niya inaasahan.
Handa ka na bang pasukin ang mundo ni Luciven Kallisto?
📌 Read now!
📌 Follow for updates!