Measuring The Stars [Closed/Stopped]
Lheoroden
- LECTURAS 139,553
- Votos 3,499
- Partes 29
Sa napakalawak na kalawakan,
Sa mundong ginagalawan,
May mga bagay pa ring 'di natutuklasan,
Mga misteryong kailangang matagpuan.
Kung sa lupang tinatapakan,
Ay may mga katanungang kailangan ng kasagutan.
Ano pa kaya ang kalaliman ng karagatan?
Na karamihan ng bahagi ay hindi pa napupuntahan?
Totoo nga bang may iba pang nilalang,
Na nakikibahagi sa tinitirhan.
At ang TAO ay isang parte lamang,
Ng isang napakalaking larawan.
Sa pagpatuloy niyang paglubog sa kailaliman ng karagatan,
At sa mabilis na pagkawala ng kanyang hininga,
Sa paghila sa kanya ng kadiliman --- batid na ang hahantungan,
Mga huling katagang nabitawan sa sarili, "oras na".
Hinayaan nalang na hilahin ng kadiliman,
Sapagkat wala ng tuluyang maramdaman.
Ngunit napukaw ang diwa ng mga kamay na tumulak paibabaw,
Nasulyapan ulit ang liwanag na kanina'y hindi matanaw.