Heize
2 stories
Where It All Started [COMP. TAGLISH] by Heizewrld
Heizewrld
  • WpView
    Reads 1,937
  • WpVote
    Votes 21
  • WpPart
    Parts 62
Magkaibang mundo, iisang pag-ibig. Sa pagitan ng karangyaan at kahirapan, umusbong ang pag-ibig na walang kinikilalang hangganan. Ang kanilang pagmamahal ay hindi sinusukat ng estado, hindi rin ng mga pader na naghihiwalay sa kanilang landas. Isang pag-ibig na namumuhay sa mga anino ng paghuhusga, tumitibay sa bawat lihim na binubuo at bawat sandaling magkasama. Sa kanilang mga puso, nawawala ang agwat ng kanilang mga mundo, at tanging ang pag-ibig ang natitira, tunay, matatag, at walang hanggan. Ito'y isang pagmamahal na dumirig at lumalaban sa mga limitasyong itinakda ng mundo, isang pag-ibig na kasing lawak ng kalangitan at kasing lalim ng dagat. Sa kanilang mga mata, nawawala ang lahat, at tanging ang katotohanan ng kanilang pag-ibig ang nagtatagal, hindi matitinag na para bang wala ring katapusan. Sa isang mundong pinaghiwalay ng yaman at hirap, dalawang tao ang may magkaibang landas. Isang lumaki sa ginhawa, bawat hakbang ay planado at ginugol sa kaharian ng perpekto. Ngunit sa likod ng ngiti'y isang pusong sugatang dinudurog ng inaasahan at mataas na imahe ng pagiging perpekto. Sa kabilang dako. Isang mundong tinatahak ay yari sa pawis at pangarap. Pagod at kaba ang kasabay ng bawat hakbang, ngunit ang puso'y puno ng tapang at pag-asa. Sa isang sulyap, isang ngiti, at isang damdamin ang sumik, hindi maipaliwanag, ngunit buo at tapat. Habang ang kanilang koneksyon ay lumalalim, dumating ang mga pader ng mga matang mapanghusga, pamilyang may sariling plano, at takot na baka ang pag-ibig ay hindi sapat sa harap ng mga hadlang ng mundo. Ngunit paano kung sa gitna ng mga "hindi pwede," may isang "baka sakali"? Isang kwento ng pagkakatagpo, ng pusong natutong pumili, hindi ang madali, kundi ang tama. Isang pag-ibig na tahimik sa simula, ngunit malakas ang tibok, isang laban na hindi para sa lahat, ngunit para sa dalawang pusong handang magmahal, kahit bawal, at kahit na mahirap. Patunay lang na ang pag-ibig ang siyang bubuo sa kahit na sino.
Yours Truly [COMPLETED] by Heizewrld
Heizewrld
  • WpView
    Reads 3,463
  • WpVote
    Votes 107
  • WpPart
    Parts 52
There are incidents in life that we don't expect to come, yet they end up changing our lives without us even realizing it. Have you ever thought that it's not impossible to meet someone who turns out to be meant for you? At an unexpected time and place? And even age doesn't matter between the two of you. You thought you had no time for LOVE, but without realizing it, you've already fallen into that trap. Career over Love? Anong mas pipiliin mo? Ang maisalba ang mahalaga sa Pamilya niyo, o ang Babaeng pinakamamahal mo? Naisip mo rin ba na hindi lahat ng pangako ay kayang matupad gaya rin ng ipinangako niya sayo? MASISIRA nalang ba kayong dalawa dahil sa NAPAG-LIPASANG PANGAKO niyo sa isa't-isa? O ang PAG-IBIG ninyong dalawa ay nahalintulad rin sa PANAHON ng TAG-LAGAS? Panahong ang mga punong onti-onti ng nalalagas, ngunit ang pag-ibig ninyong dalawa ay hinding-hindi malalagas? Malilipasan ng maraming TAON, ngunit hindi ng PANAHON. Gaya ka rin kaya ng mga Taong ito? "If you really don't want to ruined our relationship, then you must leave the two of us, Siya ang mahal ko, hindi ikaw! At lalong wala ng iba pa, sooner or later siya ang papakasalan ko, at yung pangakong sinasabi mo, matagal ng nilimot ng panahon yun dahil ikaw na mismo ang sumira nun, so please leave us alone, baka makagawa ako ng imposibleng bagay na hindi mo inaakalang kaya kong gawin, para lang hayaan na kaming dalawa" - Alicia "You know how much I love her Lolo, so please do something, and I promised that I will do anything you want but not like this, you know how much it hurts me right now, at ayuko ko ring masaktan siya just because of that stupid promises!!" - Katara "Patayin niyo nalang ako, kung hindi pa rin kayo sang-ayon sa gusto ko, minsan na nitong pinaikot ang mundo ko, pero sana maisip niyo na ibang mundo ang gusto niya, at hindi gaya ng gusto ninyo" - Collin Ikaw ano kayang kaya mong gawin para sa Pag-ibig???