MisisDChinita
Isang bagong kasal na mag-asawa sina Kamila at Aiden, nagsimula sa isang bagong buhay sa isang mapayapang bayan ng probinsya, malayo sa maingay at magulong buhay sa lungsod. Ang pangarap ni Kamila na tahanan ay agad na ibinigay ni Aiden ng makita niyang bakante at ipinagbibili ang bahay at lupa nito, hindi na nagdalawang-isip pang bilhin ito para sa bagong buhay nilang dalawa bilang mag-asawa.
Gayunpaman, ang kanilang katahimikan ay panandalian lamang, hindi nila akalain na may nakatira pala sa harapan ng kanilang bahay. Si Cielo, na siyang pinakamatagal ng nakatira sa lugar na 'yun, halos siya na nga lang daw ang tumatagal dahil nag-aalisan ang mga taong tumitira sa ibang katabing bahay. Sabi niya, minsan daw ay nag-iisip na rin siyang umalis ngunit pamana sa kanya ang bahay na tinitirhan niya ng kanyang namayapang mga magulang kaya hindi niya ito maiwan.
Habang nakikilala nina Kamila at Aiden si Cielo, hindi nila napapansin ang mga kasinungalingan na nagbabantang sirain ang kanilang kaligayahan at ang kanilang pagsasama. Malalaman kaya nila ang katotohanan sa likod ng misteryosong presensya ni Cielo, o sila na ba ang pinakahuling biktima ng isang masasamang puwersa na nagkukubli sa mga anino ng kanilang bagong tahanan?