soeulil
"Beauty is pain, honey. Pero ang pag-ibig? Iyan ang operasyong kahit walang anesthesia, handa akong tiisin... basta si Doc ang humahawak ng scalpel."
Si Cairo ay isang celebrity makeup artist na ang tanging batas ay perfection. Para sa kanya, ang lahat ng deperensya ay kayang itago ng contour at concealer. Ngunit mababasag ang kanyang mundo nang makilala niya si Dr. Gauri, isang doctor na walang oras para sa vanity at mas pinapahalagahan ang katotohanan kaysa sa ilusyon.
Sa pagitan ng makulay na brushes at matatalim na scalpels, madidiskubre nila na ang tunay na kagandahan ay hindi nakikita sa salamin-kundi sa mga peklat na matapang nating ipinapakita sa taong nakakaintindi sa atin.
Isang makulay na banggaan ng sining at siyensya. Dahil minsan, ang kailangan mo lang para gumaling ay ang taong hindi takot makita ang iyong bare face.