Storyyy
1 story
our little secret by darkmochaicedcoffee
darkmochaicedcoffee
  • WpView
    Reads 8
  • WpVote
    Votes 0
  • WpPart
    Parts 1
Hindi naman talaga dapat naging magkaibigan sina Mara at Ethan. Si Mara-ang masungit at istriktong class president. Si Ethan-ang makulit at madalas lumiban na boxing athlete. Kapag nag-uusap sila, laging may asaran at bardagulan. Pero kahit na lagi silang nagbabangayan, hindi maikakaila-lagi rin silang magkasama. Nagsimula lang ang lahat dahil sa isang school performance. Sa mga gabing pagod sila sa practice, sa mga tanghalian kung saan sila sabay kumakain, at sa mga tahimik na sandaling hindi nila inaamin kung anong meron. Hanggang sa dumating ang mga panahong nagbago ang lahat. Si Ethan, naunang nahulog. At mas matindi siyang nahulog. Pero si Mara? Hindi niya iyon napansin-o baka naman mas pinili niyang hindi pansinin. Sa loob ng maraming taon, habang patuloy silang nagkakasakitan sa maling pagkakataon, sa maling panahon, at sa maling tao, isang bagay ang nanatili-hindi nila nasabi ang totoo. At kung kailan nga ba dapat aminin, saka lang mapagtatanto ni Mara... na baka matagal na rin pala siyang nahulog, hindi lang niya napansin.