cranberriemhie05
Mainggit na ang mga gustong mainggit pero heto talaga ang kamangha-manghang reyalidad na alam kong kaiinggitan ng mga 1D fans. 'Di ko naman ito ginusto, hindi ko nga gusto 'yong mga nangyayari ngayon e. Iyong tipong iiyakan ng mga nagkakandarapang babae ang limang miyembro ng 1D e mga tao lang din naman sila, iyon nga lang' may makalaglag panty silang pagmumukha.
Iyon ang 'di ko maalis sa estoryang ito, na gwapo talaga ang 1D at talented. No doubt na iyon, kaya nga 'di lang sila sa Pinas sikat kundi maging sa iba pang panig ng mundo. Thankful nalang ako dahil sa loob ng isang lingo matapos akong ma-hire bilang P.A. ng 1D ay 'di pa naman nila ako nabubuking na babae talaga ako.
"Kung alam kaya nila, pahihirapan pa din kaya nila ako??" malungkot kong tanong. Ako nga pala si Savryna Ohara, Sav for short. At heto lang naman ang sinapit ko sa araw na ito.