DL Series #2: Drop-Dead & Dangerous (A SharDon Fanfiction)
imnotkorina
- LECTURAS 13,702
- Votos 874
- Partes 14
Hindi lubos akalain ni Jane Gonzales na sa isang araw lang ay posibleng gumuho ang buong mundo niya. Pagkatapos kasi niyang malaman ang tungkol sa pagtataksil sa kanya ng fiancé at bestfriend, napagbintangan naman siyang kasabwat ng dalawa sa pangi-scam ng ilang tao. Siya tuloy ang pinagbabantaan ng mga ito'ng ide-demanda oras na hindi mabayaran ang perang ninakaw sa mga ito!
Devastated and hopeless, she went back to her father's hometown in Del Fuentes, Quezon province after seven years. Iyon ay upang magtago at hilumin ang kanyang sugatang puso. But fate decided to play a trick on her again as if she's not yet shattered enough. Natuklasan niya kasing si Donato Del Fuentes na ang nagmamay-ari ng bahay at lupaing iniwan doon ng kanyang pamilya. Ang lalaking unang nagparamdam sa kanya ng kabiguan sa pag-ibig.
He's still drop-dead and dangerous like how she remembered him. Ngunit sa pagkakataong ito ay may mas malalim at madilim pang sikreto ang bumabalot sa lalaki. A dark secret that will make Jane realize that her heart wasn't the only thing at risk in his ruthless hands...her life might also be in danger.