ALREADY DONE READING🔴
2 stories
Boss Baby (COMPLETED) UNDER EDITING by TheRealMinieMendz
TheRealMinieMendz
  • WpView
    Reads 2,140,994
  • WpVote
    Votes 46,542
  • WpPart
    Parts 33
Nasa trenta anyos na si French Nicole Lacubtan, kaya nais na niyang magkaanak sa lalong madaling panahon. Sa kadahilan ay palagi na lang siyang tinutukso ng mga kaibigan niya na hindi na daw siya magkakaanak pa sa edad niya. Mawawala na ang edad niya sa kalendaryo, kaya naman ay nangangamba siya na hindi na nga magkaanak. Lalo't may lahi ang pamilya niya na mga tumatandang dalaga. Maswerte na lang ang ina niya dahil naihabol pa siya bago ito mag-fourty. Kaya naman ay nakumbinsi siya ng kaibigan na magpabuntis na lang. Wala naman kasi siyang boyfriend, dahil sino ba ang magkakagusto sa katulad niyang manang manamit, hindi kagandahan, at palagi pang subsob sa trabaho? Kaya naman, para magkaanak ay naghanap sila ng friend niya ng lalakeng may magandang lahi na p'wedeng bayaran para buntisin siya. Pero ang isang misyon ay naging disaster. Nabuntis nga siya, ngunit maling lalake naman. At lalo siyang nalagay sa alanganin dahil sa nagawa niyang pagkakamali ay naging bangungot sa kanya. Hindi niya akalain na ang ama ng pinagbubuntis niya ay siyang magiging amo pala niya. Copyrights 2018 © MinieMendz
daddy, i need your money by shelovesneko
shelovesneko
  • WpView
    Reads 3,065,366
  • WpVote
    Votes 43,124
  • WpPart
    Parts 38
Laki sa hirap si Xy at dahil doon isa lang ang gusto niya sa buhay: Ang yumaman at magkaroon ng maginhawang buhay. Kaya nang biglang dumating sa harap niya ang isang mayamang lalaking nagpakilalang ama niya ay pumayag agad ito sa gusto niyang gawin upang pamanahan siya: Ang makapagtapos siya sa Mainland Private High School bilang valedictorian. Walang reklamong ginawa ni Xy ang gusto ng ama at agad na hinarap ang hamon. Ngunit ang inaakala niyang madaling gawain ay naging isang suntok sa buwan nang ma-diskubre ang madilim na sistema ng eskwelahang pinasok niya. Ang inaakalang simpleng pag-aaral ay nahantong sa pagdiskubre sa lihim ng mga kapwa estudyante at propesor, at pag-ungkat sa mga madidilim na sikreto ng institusyong pinasok niya. Akala ni Xy ay lumabo na ang tyansa niyang maging valedictorian pero nagbago ito nang madiskubre niya ang sikreto ng kaniyang gwapo at matalinong propesor na si Havoc Hidalgo. Makakayanan kaya ni Xy harapin ang hamon ng misteryosong eskwelahan sa tulong ng propesor o matatagpuan niya ang sarili pabalik sa buhay ng kahirapan? ₱₱₱ TRIGGER WARNINGS AHEAD. PLEASE READ WITH PRECAUTION. Language: Taglish (Tagalog and English) ₱₱₱ Writing: June 6, 2023 - July 9, 2023 Published: July 1, 2023 - July 15, 2023 daddy, i need your money ™ athena folder: file no.1 NEKO