Gangster Books💙
9 stories
Ang Pagbabalik Ng Knight Gangster Queen Book 8 (Ongoing) by SJ_Bluess
SJ_Bluess
  • WpView
    Reads 1,265
  • WpVote
    Votes 146
  • WpPart
    Parts 21
Sa kaniyang pagbabalik, lahat ay humanda na. Dahil ang Knight Gangster Queen ay magbabalik na. Iisa-isahin niya ang mga grupo at taong umapi sa grupo nila at aalisin niya ito sa maduming mundo na kaniyang kasalukuyan na pinapasukan. Sa siyam na buwan niyang pagdadalang-tao, magbabago na ang lahat para kay Danni. Hindi lang ang pinaghahawakan niyang posisyon ang kailangan niyang pagtuunan ng pansin kundi ang apat niyang chikiting. Para sa kaniya, hindi ang mga ito magiging hadlang sa pagiging gangster niya, dahil ang kaniyang mga anak ang magiging inspirasyon niya para puksain ang mga masasama. Ngayon magbabalik na siya, ipagpapatuloy niya ang hinahangad niya ang mabigyan ng katarungan at kapayapaan ang Gangster World. Iisa-isahin niya rin ang mga taong balikid at tumatraidor sa grupo nila at sisiguraduhin niya sa apoy ang bagsak nila. Written By: SJ_Bluess
Ang Mananatiling Knight Gangster Queen Book 7 (Completed) by SJ_Bluess
SJ_Bluess
  • WpView
    Reads 3,516
  • WpVote
    Votes 1,257
  • WpPart
    Parts 54
Binigyan siya ng pagkakataon na manatiling reyna ng grupong pinamumunuan niya, kahit siya ay nagdadalang tao. Ani niya pa, hindi hadlang ang pagbubuntis niya para hindi niya magampanan ng maayos ang responsilidad niya bilang isang reyna. Ngunit sa kabila n'on, nagpapasalamat siya sa mga taong naniniwala sa kakayahan niya at sa mga taong sumusuporta sa kaniya. Napagtagumpayan niya man ang malaking pagsubok niya bilang isang reyna, ngunit hindi pa natatapos ang lahat. Marami pa siya matutuklasan pero hinding-hindi siya susuko hangga't hindi niya ito nalalaman lahat. Hangga't kaya niya, hangga't lumalaban siya at hangga't nakaupo siya sa truno niya, siya ay mananatiling knight gangster queen. Written By: SJ_Bluess
Ang Malakas Na Knight Gangster Queen Book 6 (Unedited) by SJ_Bluess
SJ_Bluess
  • WpView
    Reads 4,732
  • WpVote
    Votes 2,554
  • WpPart
    Parts 55
Sa nalalapit na paghatol kay Danni, mananatili siyang palaban. Ipaglalaban niya ang karapatan niya bilang isang Knight Gangster Queen sa kabila ng pinagdaanan niya ngayon. Pinapangako niya sa kaniyang sarili na hindi maiipit ang kaniyang mga anak sa laban niya ngayon. Hinding-hindi niya ito gagawin na instrumento, pero ipapakita niya sa lahat na may karapatan din ang isang gangster queen na mabuntis at hindi dapat ito isinabatas ng isang masama at sakim na Head Superior. Hindi dapat nadadamay ang sanggol sa sinapupunan ng gangster queen dahil hindi ito kare-karespeto pero sa kabila nito, mananatiling matatag si Danni kahit hindi pa siya pwedeng lumaban dahil sa kaniyang kalagayan pero kahit gano'n, magiging matapang pa rin siya. Hinding-hindi siya magpapatalo dahil siya lang ang, ANG MALAKAS NA KNIGHT GANGSTER QUEEN. Written By: SJ_Bluess
Ang Palaban Na Knight Gangster Queen Book 5 (Unedited) by SJ_Bluess
SJ_Bluess
  • WpView
    Reads 6,403
  • WpVote
    Votes 2,349
  • WpPart
    Parts 56
Ayon kay Danni, hindi hadlang ang pagiging buntis para magpatalo at hindi lumaban. Sa panibagong yugto ng kanilang buhay, magsisimula pa lang ang totoong laban sa pinakamataas at sakim na head superior ng gangster world na si Superior Virgo. Alam ni Danni na hindi basta-basta ordinaryong tao ito, pero para sa kaniya walang mataas-mataas na posisyon dito. Aniya pa, ang respeto ay para lang sa mga taong kare-karespeto at marunong rumespesto. Sa panibagong pagsubok na darating naman sa kaniyang buhay, mananatiling matatag si Danni, at paninindigan niya ang tamang landas na kaniyang pinili at ang kaniyang karapatan bilang isang gangster. Dahil siya lang, ANG PALABAN NA KNIGHT GANGSTER QUEEN Written By: SJ_Bluess
Ang Nag-IIsang Knight Gangster Queen Book 4 (Unedited) by SJ_Bluess
SJ_Bluess
  • WpView
    Reads 10,620
  • WpVote
    Votes 3,440
  • WpPart
    Parts 57
She's Dannarose Niyana Fortalejo - Grayson or Danni for short. Mula sa pagiging basagulera, ngayon ay isa na siyang ganap na gangster queen. May mga bagay na hindi pinagsisihan si Danni at 'yon ay maging isang ganap na gangster. Sobrang nagpapasalamat siya sa mga taong sumuporta sa kaniya sa mga kaibigan niya, sa pinsan niya at sa asawa niya. Lalo na sa Kuya niya na naging inspirasyon niya. Maraming pinagdaanan si Danni sa kaniyang buhay ngunit lahat ng ito ay napalitan ng halaga. Dahil hindi nasayang ang mga taon na kaniyang pinaglaanan. Sa panibagong yugto ng kaniyang buhay, maraming pangyayari na naman ang darating. Ngunit, naniniwala si Danni sa kaniyang sarili na muli na naman niya itong malalampasan. Dahil ang isang katulad niyang gangster queen ay matapang, malakas, palaban, at walang inaatrasan. Siya ANG NAG-IISANG KNIGHT GANGSTER QUEEN. SJ_Bluess💙
Ang Basagulerang Reyna Ng Mga Gangster Book 3 (UNEDITED) by SJ_Bluess
SJ_Bluess
  • WpView
    Reads 21,179
  • WpVote
    Votes 3,912
  • WpPart
    Parts 60
Wala ng mahihiling pa si Danni. Masayang-masaya siya dahil sa wakas nabigyan na rin ng hustiya ang pagkamatay ng kaniyang Kuya. Pero, 'yong inaakala nilang patay ay buhay pala. Nang malaman ni Danni na buhay ang Kuya niya, pakiramdam niya siya na ang pinakamasayang tao sa mundo at lahat ng pinaghirapan niya ay naging matagumpay. Hindi nga siya sumuko mula sa umpisa pa lang hanggang sa pumasok siya sa gangster world at hindi siya nagsisi na maging parte ng mundong ito. Pero, hindi pa tapos ang lahat. May mga tao pa na magiging hadlang sa buhay nila at magiging parte ng pagsubok nila. Pero, naniniwala si Danni na malalampasan rin nila ito. Magiging payapa at masaya ang katapusan nito. Mula sa pagiging basagulera, hanggang sa tanghaling siyang reyna ng mga gangster.
Ang Astig Na Basagulerang Gangster Book 2 (Under-Editing) by SJ_Bluess
SJ_Bluess
  • WpView
    Reads 35,977
  • WpVote
    Votes 4,159
  • WpPart
    Parts 62
Akala ni Danni hindi na magbabago ang buhay niya. Simula nung bigyan siya ng Papa niya ng kondisyon para sa kaniya upang maipakita niya na kaya niya ang sarili niya na mag-isa na walang tulong ng kaniyang mga magulang at may ipagmamalaki siya sa pamilya niya, malaki ang naitulong ng kondisyon ng Papa niya kasi dahil dito nakamit niya ang mga gusto niya sa kaniyang buhay kahit hindi man lahat. Akala niya habang buhay na lang siya magiging malungkot, mag-iisa at makikipag-away ngunit nang dahil sa tulong ni Reeve ipinakita ng pinsan niya na nandito lang ito sa kaniya at handa siyang tulungan nito sa abot ng makakaya niya. Nakilala niya rin ang mga kaibigan niya na minsan nagtago ng sekreto sa kaniya pero tinuring siyang totoong kaibigan ng mga ito kahit na nagsasamaan sila ng loob at may hinanakit sila sa isa't isa. Maraming man pagsubok ang dumating sa buhay ni Danni, hindi siya sumuko at tinuring niya na lang na isa itong bangungot sa kaniyang nakaraan. Tinalikuran niya ito para makapagsimula siya ulit. Pero, hindi pa pwede maari dahil hindi pa tapos ang lahat, may mga bagay pa siya na dapat gawin. Pero bago 'yon, gusto niya maranasan maging isang GANGSTER bukod sa pagiging BASAGULERA niya. Para maipakita sa mga nabibilang dito na hindi lang siya malakas o matapang dapat ipakita niya na maging ASTIG siya lalo na sa mga magiging kalaban niya lalo na sa taong pumatay sa Kuya niya na gustong-gusto na niyang harapin at para mabayaran na nito ang ginawang pagpatay sa Kuya niya. Dito na niya kaya makakamit ang hustiya na matagal na niyang gustong makuha? SJ_Bluess💙
Miss Basagulera And The Gangster Book 1 (COMPLETED) by SJ_Bluess
SJ_Bluess
  • WpView
    Reads 131,357
  • WpVote
    Votes 10,022
  • WpPart
    Parts 60
Siya ay si Dannarose Niyana Fortalejo f/s (Danni). Karaniwang tinatawag sa kaniya ay Tomboy dahil sa pananamit niya at porma. Ayaw niya rin tinatawag siya sa tototoong pangalan niya. Gaya ng iba kahit laking mayaman siya puno pa rin nang pighati, hinanakit, at lungkot ang kaniyang buhay simula no'ng mamatay ang Kuya niya, 'yon rin ang simula ng pagbabago nang ugali niya at pagkagalit ng Papa niya sa kaniya dahil siya ang sinisisi nito sa pagkamatay ng Kuya niya. Ang dating masayahin at masipag mag-aral ngayon isa ng dakilang BASAGULERA. Saksi siya sa pagkamatay ng Kuya niya at gusto niya makuha ang hustisya para dito at pagbabayarin ang mga taong sangkot sa pagpatay dito sa grupong tinatawag na GANGSTER.