LovielynHaclad's Reading List
77 stories
TIL WE MEET AGAIN by ALLI-YANA
ALLI-YANA
  • WpView
    Reads 24,379
  • WpVote
    Votes 383
  • WpPart
    Parts 14
Nagka alitan sina falken at ang ama nito kung kaya't halos lumipad na ang kotse nya na umalis ng bahay nila. Habang binabay-bay ang daan bigla syang napakapit ng mahigpit sa manibela at mabilis na tinapakan ang break ng kotse nito dahil sa nakitang isang babaeng duguan at may dalang baby may sugat ang babae sa may balikat nito. Kumakaway ang babae para huminto siya.Hindi nya Alam kong ano ang mararamdaman nya matatakot ba sya o' maawa sa babae and on the back of his mind he found woman so attractive and beautiful even if she looks horrible. Anong gagawin nya tutulongan ba nya ito o' hahayaan nalng niya ito sa daan? Or maybe bring them to his lonely place.They're stranger yet their something about this woman that hit's him. Hindi niya alam kong ano yon but only one thing he knew that it was new to him.
"HOOKED ON YOU" BOOK II People change. But memories dont. by ALLI-YANA
ALLI-YANA
  • WpView
    Reads 10,916
  • WpVote
    Votes 375
  • WpPart
    Parts 33
ITS HARD TO FORGET SOMEONE WHO GAVE YOU SO MUCH TO REMEMBER...
Car Wash Boys Series 5: Kevin Kyle Bandong by Juris_Angela
Juris_Angela
  • WpView
    Reads 78,530
  • WpVote
    Votes 1,443
  • WpPart
    Parts 10
"Nang malaman ko ang ibig sabihin ng salitang pag-ibig. Pangalan mo agad ang binulong ng puso ko." Teaser: Fairytales. Iyan ang pangalan ng business ni Marisse. She's a Wedding Planner. And she loves Weddings. Gaya ng ibang babae, nangangarap din siyang magsuot ng isang puting trahe de boda at ikasal sa lalaking pinakamamahal niya. Ngunit mananatili lang na isang pangarap iyon kung ang tinatangi ng puso niya ay tila hindi na niya maabot. Sa pagbalik ni Kevin sa Pilipinas. Nagkaroon sila ng pagkakataon na ipagpatuloy ang pagmamahalan nila. Ngunit ang sayang naramdaman niya ay panandalian lang pala. Nang isang araw ay tumambad sa kanya ang isang masaklap na balita, ikakasal na si Kevin. Handa na siyang tanggapin na kailan man ay hindi na mapapasakanya ito. Ngunit hiniling ni Susane na siya ang mag-ayos ng kasal nito at Kevin. Kahit magmu-mukhang suicide ang gagawin niya. Pikit-matang pumayag siya. Sa bawat na nakikita niya ang dalawa na magkasama, labis na sakit ang dulot niyon. Hanggang kailan ba niya kayang tiisin ang lahat? Na ang iniibig niya ay nakalaan sa iba. Siguro, mas makakabuti kung lumisan at magsimula ng panibagong buhay ng wala si Kevin sa buhay niya.
The Tanangco Boys Series 9: Justin Karl Chua by Juris_Angela
Juris_Angela
  • WpView
    Reads 104,789
  • WpVote
    Votes 1,734
  • WpPart
    Parts 10
Justin and Nancy Jane were childhood sweethearts. Kasama nila ang isa't isa sa lahat ng oras. Magkakampi sa lahat ng bagay. Highschool sila nang mag-desisyon ang mga magulang ni Nancy Jane na mag-migrate sa America. Masakit man ay wala siyang nagawa kung hindi ang lumayo kay Justin nang hindi nasasabi dito ang tunay niyang damdamin. Sampung taon ang nakalipas nang kinailangan niyang bumalik sa Pilipinas. Ganoon na lang ang gulat niya na sa kanyang pagbalik, iba na ang Justin na dinatnan niya. Kasabay niyon ay ang muling pagbangon ng inakala niyang pagmamahal para dito na matagal nang naglaho. Pero mukhang huli na ang lahat para sa kanya. Dahil, may iba nang nilalaman ang puso nito. Dapat pa nga ba niyang ipaglaban ang pag-ibig para sa lalaking una't huli niyang mamahalin? O hahayaan niyang mawala ito sa ikalawang pagkakataon?
The Tanangco Boys Series 3: Rio Vanni Cruz by Juris_Angela
Juris_Angela
  • WpView
    Reads 100,033
  • WpVote
    Votes 2,090
  • WpPart
    Parts 10
"I've been in love with you the moment that I met you. At kung itatanong mo sa akin kung paano kahit minahal. Hindi kita masasagot dahil hindi ko rin maipaliwanag. Basta gumising ako isang umaga na ikaw ang tinitibok ng puso ko..." Teaser: Hindi napigilan ni Madi ang sarili nang mag-krus muli ang landas nila ng taong naging dahilan kung bakit nawalan siya ng trabaho. Si Chef Rio Vanni Cruz. Kaya sa sobrang inis ay bigla niya itong sinuntok sa harap ng maraming tao. Nangako din siya sa kanyang sarili na gaganti dito. Kaya nag-apply siya sa restaurant na pag-aari nito para maisakatuparan ang plano niya. Ngunit nakalimutan niyang bigla ang planong pagganti nang unti-unti'y makilala niya ang tunay na Vanni. At hindi rin napigilan ang puso na ibigin ito. Pero mukhang may hahadlang pa yata sa bonggang pagmamahal niya para sa binata.
The Tanangco Boys Series 8: Humphrey Lombredas by Juris_Angela
Juris_Angela
  • WpView
    Reads 77,387
  • WpVote
    Votes 1,745
  • WpPart
    Parts 10
Hindi kataka-takang lahat ng mga mata ay nakatuon kay Lady. She was famous in the social world-- a real socialite. Siya ang nag-iisang anak ni Senator Mario Castillo at tagapagmana ng mga ari-arian nito. Pero sa kabila ng katanyagan, yaman at atensiyon na ibinibigay sa kanya ng publiko, she still felt the emptiness insider her. Nang masangkot siya sa dalawang magkasunod na eskandalo na labis na ikinagalit ng mga magulang niya at sumira sa magandang imahe niya, pakiramdam niya ay nag-iisa siya sa mundo. Mabuti na lamang at nakilala niya si Humphrey, ang sikat na photographer na minsan na rin niyang nakatrabaho sa isang photo shoot. Hindi niya inaasahan na dadamayan siya nito sa pinagdaraanan niya. Nangako pa ito na tutulungan siyang magtago sa media. Magulo na nga ang siutwasyon niya, tila Lalo pang pinagulo iyon nang makisali sa issue ang puso niyang tila unti-unting nabibihag ni Humphrey. At sadya nga yatang matigas ang ulo niya dahil binuksan niya ang kanyang puso sa isang bagong pag-ibig kahit alam niyang walang kasiguraduhan ang damdamin niya para kay Humphrey.
The Tanangco Boys Series 10: Leonard Apilado by Juris_Angela
Juris_Angela
  • WpView
    Reads 125,646
  • WpVote
    Votes 2,199
  • WpPart
    Parts 12
Sa pagbabalik ni Cassy ng Pilipinas ay hindi niya inaasahang madurugtungan ang nakaraan nila ni Leo. Ang pagkakaligtas nito sa kanya sa tatlong lalaking humarang sa kanya sa gitna ng dilim ang naging daan upang maging madalas ang pagsasama nila. At sa mga sandaling kaharap at kausap niya ito, muling nabuhay ang pag-ibig niya rito na inakala niyang matagal nang naglaho sa puso niya. Ang nakakalungkot lang ay tila sarado na ang puso nito. Ibang-iba na rin ito sa dating Leo na kilala at hinangaan niya. Wala na ang mga ngiti nito, sa halip ay lagi itong seryoso. Nalaman niyang nakakulong pa rin pala ito sa isang pangyayari sa nakaraan na nagpatigas sa dating mapagmahal na puso nito. Ngunit ipinangako ni Cassy sa kanyang sarili na ibabalik niya ang dating Leo. Gagawin niya ang lahat, maiahon lamang niya ito sa madilim nitong nakaraan. Kahit pa masaktan siya nang ilanga beses at kahit alam niya kung gaan ito kahirap mahalin.
Tanangco Boys Series 2: Rene Roy Cagalingan by Juris_Angela
Juris_Angela
  • WpView
    Reads 116,221
  • WpVote
    Votes 2,620
  • WpPart
    Parts 11
"I want to spend my life waking up in the morning and stare at your beautiful eyes and tell you how much I love you." Hindi na bago sa lugar nila ang lantaran niyang paghayag ng matinding paghanga kay Victor. Kulang na nga lang ay patayuan niya ng altar sa gitna ng kalyeng iyon ang lalaki. Akala niya ay tunay na pag-ibig na ang nararamdaman niya para kay Victor. Nagbago ang lahat ng kinailangan niyang makisama sa numero unong kontra sa buhay niya. Si Rene Roy Cagalingan. Kaya ganoon na lang ang inis niya para sa lalaki. Hanggang sa isang araw ay magising siya na tila may nararamdaman na para dito. Mahal na niya ito. Would she be able to fight for her love? Sa kabila nang katotohanang ang kaibigan niya ang mahal ng lalaking mahal niya.
The Tanangco Boys Series 4: Archie Dhing Santos by Juris_Angela
Juris_Angela
  • WpView
    Reads 87,685
  • WpVote
    Votes 1,857
  • WpPart
    Parts 10
Dahil kinailangan niyang mamili. Chacha chosed to leave and take care of her sick father. Pero kasabay ng desisyon niyang iyon ay ang pag-iwan niya sa lalaking pinakamamahal niya. Naging mahirap para sa kanya na kalimutan si Dingdong dahil ito ang first love niya. Hanggang sa makalipas ang isang taon. Chacha came back in Tanangco. At sa kanyang pagbalik ay ang pagbabalik din ng damdamin nila sa isa't isa. Ngunit tila hahadlangan pa yata ng mga magulang niya ang pagmamahalan nilang dalawa. Kaya para hindi na sila mapaghiwalay pa ay nagpakasal sila ng wala sa oras. Pero ganoon na lang ang gulat niya ng lapitan siya ng isang babae at sinabing inalok din siya ng kasal ng binata.
The Tanangco Boys Series 1:  Darrel James Luciano by Juris_Angela
Juris_Angela
  • WpView
    Reads 96,827
  • WpVote
    Votes 2,058
  • WpPart
    Parts 10
Nang dahil sa naudlot na kasal ni Allie ay mas pinili niyang lumayo. Sa tulong ng matalik niyang kaibigan ay natagpuan niya ang katahimikang hinahanap niya at unti-unti ay nakalimutan niya ang masaklap na kapalaran sa buhay pag-ibig. Pero ginulo na naman ang isip niya ng isang misteryosong lalaki sa kanyang panaginip. Mabuti na lamang at may nakilala siyang bagong kaibigan -- si Darrel James Luciano. Tuwing napapanaginipan niya ang lalaking iyon na tuwina ay hindi niya nakikita ang mukha ay inaaliw siya ni Darrel at inaalis nito ang inis niya. Sa muling pagbangon niya ay nakaalalay ito sa kanya. Kaya sa paglipas ng mga araw na nakakasama niya ito ay hindi napigilan ni Allie ang puso na mahalin ito. Masayang-masaya siya nang magpahayag ito ng pag-ibig sa kanya. Ngunit agad din pala iyong mapuputol dahil sa pagbabalik ng isang taong ayaw na niyang makita at pagsulpot ng lalaki sa kanyang panaginip.