ummeats's Reading List
18 stories
Hindi Ako Iiyak - Helen Meriz  by Nobelang_Klasiko
Nobelang_Klasiko
  • WpView
    Reads 4,301
  • WpVote
    Votes 66
  • WpPart
    Parts 16
HATINGGABI na'y di pa rin siya makatulog. Mugto na nga ang mga mata niya sa kaiiyak pero hindi pa rin niya magawang tumigil. Pinagagalitan na nga niya ang sarili: Ganyan ba ang hindi na iiyak? Tantiya niya ay mag-aala-una na nang makarinig siya ng pagtigil sa harap ng isang sasakyan. Ang kasunod niyon ay ang pagpapatao-po ng isang tinig at pagkuwa'y ang mahinang usapan ng di matiyak kung sino. Maya-maya lamang, may kumatok na sa pinto ng silid ni NENITA. Binuksan ng dalaga ang pinto. "Isang tanong, isang sagot," walang kangiti- ngiting sabi ni GERARD na nabuglawan niya sa labas ng pinto. "Sasama ka ba sa akin nang matiwasay o kinakailangan pang buhatin kita?" "G-Gerard! Paanong--" Disclaimer: All rights belong to the rightful owner. No copyright infringement. For reading purposes only ©Helen Meriz
Noo'y Akin Ang Pag-ibig Mo-Helen Meriz by Nobelang_Klasiko
Nobelang_Klasiko
  • WpView
    Reads 3,385
  • WpVote
    Votes 42
  • WpPart
    Parts 14
Maliliit pa lamang sina Jig at Devi, inasahan na ng mga kakilala na sila ang magkakatuluyan balang araw. Pero binigo ni Devi ang ekspektasyon na iyon nang makipagsapalaran siya sa Maymila para parin ang isang masidbing ambisyon. Bagama't masasabing nagtagumpay siya, hindi niya gaanong naranasan ang kaligayahang inaasahan sa lungsod. Gusto niya ngayong balikan ang dating buhay-si Jig. Pero tingin niya, wala na siya ni konti mang pitak sa puso ng guwapong rantsero. DISCLAIMER: All uploaded stories are not mine. No copyright infringement intended. I didn't intend to profit from it. For public entertainment purposes only. All right goes to the rightful owner.Credits to the rightful owner. ©Helen Meriz
Ako Ang Pag-Ibig Mo Ngayon-Helen Meriz by Nobelang_Klasiko
Nobelang_Klasiko
  • WpView
    Reads 2,852
  • WpVote
    Votes 76
  • WpPart
    Parts 11
Sa simula pa'y alam na ni Marife na naakit lamang niya ang pansin ng boss ng kanyang Kuya Nardo--si Mr. Rene Toledo--dahil kamukha niya ang unang babaing inibig nito. Nang matagpuan ni Marife ang sarili na umiibig na sa mayamang negosyante, pinilit niya ang sariling tanggaping panakip-butas lamang siya sa puso nito. Pero paano kung harapang ipamukha sa kanya ni Rene ang kawalan niya ng halaga rito nang bumalik si Fatima--ang babaing una nitong minahal? DISCLAIMER: All uploaded stories are not mine. No copyright infringement intended. I didn't intend to profit from it. For public entertainment purposes only. All right goes to the rightful owner.Credits to the rightful owner. ©Helen Meriz
Di Ko Kaya Kung Wala Ka - Loreta E. Baltazar by Nobelang_Klasiko
Nobelang_Klasiko
  • WpView
    Reads 1,290
  • WpVote
    Votes 30
  • WpPart
    Parts 13
"Gusto kong bigyan mo ng anak ang asawa ko, Vita" Pagdidiin ni Paula. "Ang kabayaran?" Tanong naman ni Vita. "Name your price! Matutulungan pa kitang makapagtrabaho sa statés. Basta bigyan mo lang ng anak ang asawa ko." Pumayag si Vita, ngunit lingid kay Paula, hindi pera ang gusto nitong kabayaran. Ang gusto niya'y si Hernan, ang lalaking bibigyan niya ng anak DISCLAIMER: All uploaded stories are not mine. No copyright infringement intended. I didn't intend to profit from it. For public entertainment purposes only. All right goes to the rightful owner.Credits to the rightful owner. ©Loreta E. Baltazar
Maaari Ba Akong Mangarap? - Elena M. Patron by Nobelang_Klasiko
Nobelang_Klasiko
  • WpView
    Reads 921
  • WpVote
    Votes 35
  • WpPart
    Parts 17
Si Edsel, abogado, matalino, guwapo na umibig sa isang hindi pangkaraniwang babae.... Kay Libay na napakaganda pero pinagdamutan ng katalinuhan... Pero si Libay, mahal na mahal si Edsel na nababagay sa matalinong abogada na si Marlen. Anong panama Ni Libay Kay Marlen? Naitanong tuloy ni Libay sa sarili, maaari ba akong Mangarap? DISCLAIMER: All uploaded stories are not mine. No copyright infringement intended. I didn't intend to profit from it. For public entertainment purposes only. All right goes to the rightful owner.Credits to the rightful owner. ©ELENA M. PATRON
Ahas Sa aking Puso - Elena M. Patron by Nobelang_Klasiko
Nobelang_Klasiko
  • WpView
    Reads 895
  • WpVote
    Votes 3
  • WpPart
    Parts 24
Higit bang makapangyarihan ang puso kaysa isip? Kung kaya't nagawang agawan ng pag-ibig ng matalino at palalong si Lerma ang kanyang ina. DISCLAIMER: All uploaded stories are not mine. No copyright infringement intended. I didn't intend to profit from it. For public entertainment purposes only. All right goes to the rightful owner.Credits to the rightful owner. ©Elena M. Patron
Aayaw-ayaw, Hahabol-habol -Helen Meriz by Nobelang_Klasiko
Nobelang_Klasiko
  • WpView
    Reads 1,158
  • WpVote
    Votes 10
  • WpPart
    Parts 14
Hindi madesisyunan ni Ginny kung ipararamdam kay Rom na matinding-matindi ang pag- kakagusto niya rito. Hanggang minsan ay masabi ng Kuya Rudy niya: *Kapag nalaman kong me gusto sa kin ang isang babae e liligawan ko agad, ba." Nagbigay iyon ng ideya kay Ginny na iparamdam nga kay Rom ang feelings niya. Pero ang naging resulta ay kabaligtaran sa inaasahan niya. Sa halip ligawan siya ng guwapong teener, iniwasan siya nito na parang may sakit siyang nakakahawa! DISCLAIMER: All uploaded stories are not mine. No copyright infringement intended. I didn't intend to profit from it. For public entertainment purposes only. All right goes to the rightful owner.Credits to the rightful owner. ©Helen Meriz
Noon Pa Kita Minahal - Helen Meriz by Nobelang_Klasiko
Nobelang_Klasiko
  • WpView
    Reads 4,063
  • WpVote
    Votes 125
  • WpPart
    Parts 19
Pitong taon na ngayon ang nakararaan, naglayas ang kababata ni Tetchie na si Raoul. Alam niyang ginawa iyon ng lalaki para mai-wasang pakasalan siya pagdating niya sa edad na 16. At hindi niya ito masisisi dahil sino ba naman ang magpapakasal sa isang paris niya na noon ay patpatin na at uhugin pa? Ngunit nang ganap na magdalaga, daig pa niya ang isang namumukadkad na rosas sa ganda. At hindi makapaniwala ang nagbalik na si Raoul. Parurusahan ba niya ito ngayon sa pagkukunwaring huli na sa puso niya ang binata?
Kung May Hihigit Pa Sa Pag-ibig Ko - Helen Meriz  by Nobelang_Klasiko
Nobelang_Klasiko
  • WpView
    Reads 3,326
  • WpVote
    Votes 64
  • WpPart
    Parts 16
Mag-iisang taon na ang nakararaan, kinainisan ni Maristel ang kaibigang si Leslie na namikot ng lalaki para lamang ito mapakasalan. Hindi niya akalaing mararanasan din niya ang trahedyang sinapit ng kaibigan: ang magkagusto nang matindi sa isang lalaking wala namang pagtingin sa kanya. Lalong hindi niya mapaniwalaang magagawa niya ang mga ginawa ni Leslie -- at sobra pa --mapalapit lamang sa puso ng lalaking kanyang kinababaliwan! DISCLAIMER: All uploaded stories are not mine. No copyright infringement intended. I didn't intend to profit from it. For public entertainment purposes only. All right goes to the rightful owner.Credits to the rightful owner. ©Helen Meriz
Tayo Naman sa Pag-Ibig -  Helen Meriz by Nobelang_Klasiko
Nobelang_Klasiko
  • WpView
    Reads 4,872
  • WpVote
    Votes 130
  • WpPart
    Parts 16
Si Eula ay hindi tunay na anak ni Elaine. Pero pinalabas niyang kanya. At handa niya iyong panga- tawanan sukdulang masakripisyo ang maraming bagay. Dangal niya. Kinabukasan. O maging ang pag-ibig kay Harris -- kapatid ng ama ni Eula. Pero nangyaring naipagkaloob ni Elaine ang sarili kay Harris. Natuklasan nito na siya'y birhen pa. Paano niya ngayon haharapin ang galit ng lalaki? Napakalaki ng pandarayang ginawa niya! DISCLAIMER: All uploaded stories are not mine. No copyright infringement intended. I didn't intend to profit from it. For public entertainment purposes only. All right goes to the rightful owner.Credits to the rightful owner. ©Helen Meriz