gelabaco
Si Shane Ferrel ay isang spoiled brat na sanay makuha ang lahat ng gusto niya.
Kaya nang malaman niyang ipinagkasundo na pala siya ng kaniyang lolo sa apo ng matalik nitong kaibigan, agad siyang nagalit.
Hindi niya kayang matali sa isang kasunduan na hindi niya pinili lalo na sa lalaking tinatawag niyang baklang shokoy, si Eros Sebastian.
Ngunit bago pa lumala ang lahat, si Eros mismo ang nagsabi sa kaniya ng isang bagay na hindi niya inaasahan.
"Umalis ka muna."
"Pumunta ka sa America. Hindi natin kailangang magsama."
Dahil pareho nilang ayaw sa arranged marriage at sa ideyang pinipilit sa kanila, pumayag si Shane.
Isang buwan.
Isang buwan lang siyang naglaho papuntang America, iniwan ang Pilipinas at ang lalaking gusto niyang iwasan.
Akala niya, sapat na ang maikling pagtakas para matapos ang lahat.
Pero isang tawag mula sa kaniyang pamilya ang pilit na bumago sa lahat.
Kailangan niyang umuwi.
At sa pagbabalik niya...
Ang lalaking inakala niyang tuluyan na niyang makakalimutan ang siya ring unang sasalubong sa kaniya.
Ngayon, wala na silang takas.
Para sa kapakanan ng kanilang mga pamilya, kailangan nilang magpanggap na engaged couple.
Magbahagi ng iisang condo.
Magbahagi ng iisang espasyo.
At magkunwaring masaya sa isang relasyong parehong ayaw nila.
Ngunit habang tumatagal ang pagpapanggap, unti-unting nagiging komplikado ang lahat.
Dahil ang lalaking tinakasan niya noon...
ay siya palang lalaking unti-unting bumabalik sa buhay niya nang hindi niya inaasahan.
At ang isang buwang pagtakas na akala nila ay pagtatapos...
ay siya palang simula ng lahat.
Paano kung ang relasyong nagsimula sa kasunduan at pagtakas ay mauwi sa isang bagay na hindi nila kontrolado?