mafe198x's Reading List
29 stories
Places & Souvenirs - CAGAYAN 1 - Enemies At First Sight by JasmineEsperanzaPHR
JasmineEsperanzaPHR
  • WpView
    Reads 40,420
  • WpVote
    Votes 1,706
  • WpPart
    Parts 25
"I'm going to marry you whether you like it or not." ***** "Gentleman ka pala," sarkastikong sabi niya at pasalyang inilagay sa backseat ang mga maleta. "Pasalamat ka nga at tinulungan kitang magbuhat," tila naniniryang sabi ni Santi. "Bagahe mo naman ang mga iyan, ah? Dapat lang na mas may malasakit kang bitbitin iyan kaysa sa ibang tao." Naupo na ito sa harap ng manibela. "Ready to ride?" tanong pa nito at kinindatan siya. Padaskol na binuksan niya ang pinto sa backseat. "Bakit hindi mo pa paandarin?" asik niya. "Miss Catherine Abaya, linawin lang natin, okay? Sinundo kita dahil sinalo ko ang dapat sana ay sa papa ko. Pero hindi mo ako kargador at hindi mo rin ako driver. So hindi ko paaandarin itong sasakyan unless lilipat ka dito sa passenger seat." Nanlaki ang mga mata niya pero lumipat din siya ng puwesto. Magkalapat na magkalapat ang mga labi niya at halos mag-abot din ang mga kilay. "Good," pabulong na sabi ni Santi ngunit sadya ring ipinarinig sa kanya.
Fall All Over Again by dwayneizzobellePHR
dwayneizzobellePHR
  • WpView
    Reads 342,173
  • WpVote
    Votes 7,645
  • WpPart
    Parts 23
published under PHR 2013 (Modified version) Why did I kiss you? Dahil gusto ko... Because I'm dying to kiss you every time I see you. Batang paslit ka pa lamang ay pinapangarap ko na ang mga labing iyan. Look how lucky can I get." πŸ’“πŸ’“πŸ’“πŸ’“πŸ’“πŸ’“πŸ’“πŸ’“πŸ’“πŸ’“πŸ’“πŸ’“πŸ’“ "Crush kita. Hihintayin kong lumaki ka at liligawan kita, promise 'yan." Paslit pa lamang si Timmy nang unang bitawan ni Third ang mga salitang iyan. Sa paglipas pa ng taon ay muli nitong inungkat ang pangako. "'Mula ngayon ay opisyal na girlpren na kita, kaya huwag ka ng magpapaligaw sa iba," pilyong sabi nito. "Puwede ko bang halikan ang girlpren ko?" "Sira ka ba?" Napamulagat siya nang todo sa request nito. "Ako ang unang boypren mo, kaya dapat ako din ang first kiss mo. Una at huli..." Bago sila naghiwalay ng lalaki ay ninakawan siya nito ng halik sa mga labi. "Hindi mo na talaga ako makakalimutan niyan, Timmy. Hanggang sa muli nating pagkikita..." Pero hindi na sila muling nagkita pa. Ang pangako nito ay nabaon sa limot. Paano nga ba panghahawakan ang isang pangako ng kabataan? Paglipas ng maraming taon ay muling nagkrus ang landas ng dalawa. Ang dating cute na Third noon ay isa nang macho at guwapong anak ni Adonis ngayon. Hindi pa niya limot ang hinanakit sa kababata, at ang masaklap ay hindi pa rin lipas ang kahibangan niya dito. "I always keep my word, Timmy. I always do." Huh! Ito pa ang may ganang magsabi ng gano'n? Pero sadya yatang hindi sila para sa isa't-isa dahil muli silang pinaghiwalay ng tadhana. And this time, hindi lamang isang baldeng luha ang idinulot nito sa kanya, tinangay pa nito ang lahat- ang kanyang isip, puso at buong pagkatao. Reading Order: Book 1: I Couldn't Ask For More Book 2: Fall All Over Again Book 3: My Sweet Misery Book 4: Creepy Little Thing Called Love
My Sweet Misery by dwayneizzobellePHR
dwayneizzobellePHR
  • WpView
    Reads 355,947
  • WpVote
    Votes 9,169
  • WpPart
    Parts 23
published under PHR 2013 (Modified version) "I need you. You're the only thing that keeps me sane, the only thing that keeps me going, and the only person who can make me whole again." πŸ’žπŸ’žπŸ’žπŸ’žπŸ’žπŸ’žπŸ’žπŸ’žπŸ’žπŸ’žπŸ’žπŸ’žπŸ’žπŸ’ž Aso't pusa, iyon sina Ethan at Jessica. Pero sa totoo lang ay mahalaga ang binata kay Jessica dahil best friend ito ng kuya niya. Minsan ay inabutan niya si Ethan na iniinsulto ng mortal nitong kalaban. She had to do something, or else ay ramble na naman ang kasunod nito. Mabilis niyang nilapitan ang binata at ikinawit ang mga braso sa beywang nito. "There you are, babe! Kanina pa kita hinahanap." Natigilan si Ethan at tinapunan siya ng are-you-crazy-stare. Nang sila na lang dalawa ay sinita siya nito. "You know, I go to parties to pick up a one-night stand. And since tonight you labeled me, staying here would be useless. Pangatawanan mo na girlfriend kita. You're coming home with me." Nanlaki ang mga mata ni Jessica. Wala sa sariling iniyakap niya ang mga braso sa dibdib. Sumunod ang mga mata ni Ethan sa bagay na pinoprotektahan niya. Pumalatak ito at umiling. "Do you really think na pagnanasaan ko ang mga bubot na papaya?" Ang hinayupak! Kahit kailan ay peste talaga ang lalaking ito sa buhay niya. πŸ’“πŸ’“πŸ’“πŸ’“πŸ’“πŸ’“πŸ’“πŸ’“πŸ’“πŸ’“πŸ’“πŸ’“πŸ’“πŸ’“ Reading Order: Book 1: I Couldn't Ask For More Book 2: Fall All Over Again Book 3: My Sweet Misery Book 4: Creepy Little Thing Called Love
Hearts Never Lie (Party of Destiny, Hosted by Lolo Kupido book 3) by dwayneizzobellePHR
dwayneizzobellePHR
  • WpView
    Reads 254,666
  • WpVote
    Votes 6,401
  • WpPart
    Parts 27
"Destiny is something you don't find. It comes to you at the right place and the right time. And right now, I think I've just met mine." πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’– Deejay and Gelo were best of friends. Si Cherry ang kaisa-isang babae na minahal ni Gelo, pero nabighani naman ang dalaga sa isang lalaki na nagngangalang Karlo. Ngayon ay kailangan ni Gelo ang tulong ni Deejay para mabawi nito si Cherry. Kahit alanganin ay pumayag si Deejay sa plano ni Gelo. Anything for her dear best friend. Ang mission niya: Akitin si Karlo. Hindi na niya kailangang mag-effort, dahil sa unang pagtatagpo pa lamang nila ni Karlo, a.k.a. Ahrkhei, nakuha na niya agad ang atensyon nito. Tama nga ang hinala nila ni Gelo. Karlo was indeed a handsome playboy, a cheater, a jerk, at kahit na sinong babae ay mahuhulog sa talento nito sa panloloko. Kailangan lang na mahuli ni Cherry si Karlo sa akto. Kailangan nilang patunayan sa babae na si Gelo ang tamang lalaki para dito. Magtagumpay nga kaya sina Deejay at Gelo sa kanilang plano, o sa huli ay masasaktan lamang sila pareho? Published under PHR 2015 Modified version
GEMS 31: Hello Again, My Heart by AgaOdilag
AgaOdilag
  • WpView
    Reads 115,679
  • WpVote
    Votes 1,988
  • WpPart
    Parts 21
Nang sa palagay ni Rand ay unti-unti na niyang natatanggap ang pagkawala ni Regina ay saka naman dumating sa buhay niya si Faith Bengson. She looked like Regina, walked like Regina, and smelled like Regina. He even thought she was his wife who disappeared almost five years ago and was playing games with him. But Faith Bengson's records showed she was exactly who she was. Hindi gusto ni Rand na ibigin at mahalin si Faith sa kabila ng iyon ang pabulusok na pinatutunguhan ng damdamin niya. He didn't want to forget the vow he'd made to his wife. His whole heart was filled with memories of Regina bittersweet memories that had kept him going. Subalit gumagawa ng daan si Faith patungo sa puso niyang tangi lang para kay Regina. _______ All credits goes to Martha Cecilia! :)
The Prude Damsel (published/unedited) by JuliaFrancineSicat
JuliaFrancineSicat
  • WpView
    Reads 84,085
  • WpVote
    Votes 1,620
  • WpPart
    Parts 11
Nang mamatay ang lola ni Freya ay nasanay na siyang mamuhay nang mag-isa. Ayos lang naman iyon sa kanya dahil may negosyo naman siyang pinagkakaabalahan. Ngunit ang tanging panira lang sa tahimik niyang buhay ay ang asungot na si Ziggy. Ipinanganak yata ito para asarin at bigyan ng konsumisyon ang buhay niya! Pero bakit kung kailan nagkaroon na ng ceasefire sa pagitan nila ay saka naman nagkaroon ng digmaan sa puso't isipan niya. She seems to be falling for him! Pero ano naman ang panama niya sa mga naggagandahang mga babaeng naghahabol dito kung siya ay isang dakilang "manang"... sa isip, sa salita, at sa gawa?
SWEETHEART 13: Someday My Prince by AgaOdilag
AgaOdilag
  • WpView
    Reads 216,549
  • WpVote
    Votes 3,573
  • WpPart
    Parts 23
He would be hers... someday Walong taong gulang si Delaney Williams nang iuwi ng kanyang ama ang isang labimpitong taong gulang na lalaki-an orphan. She knew he hated her. But the moment she laid eyes on the handsome young boy, she promised herself that she would be his wife someday. She was forbidden... Utang ni Prince Delgado kay Major Zachary Williams ang buhay niya, ang pagkalalaki niya, ang dignidad niya. He had every intention of paying him back. Subalit hindi niya inaasahang ang pagbabayad ay ito mismo ang magtatakda. Kung paano at kung kailan. When Zachary died, he left him a legacy-spoiled brat Delaney Williams. Β©Martha Cecilia
My Night Angel (PHR) by ExdeCalibre
ExdeCalibre
  • WpView
    Reads 21,252
  • WpVote
    Votes 687
  • WpPart
    Parts 16
"If you missed me that much, you can give me a kiss. I wouldn't mind." Nakilala ni Lira si Yvo sa mga panahong katatapos lang niyang malaman ang panlolokong ginawa sa kanya ng ex-boyfriend at best friend niya. Dala ng matinding paghihinagpis, nagawa niyang ipagkaloob ang sarili kay Yvo kahit hindi niya ito lubos na kilala. Labis na hiya ang nadama niya sa kanyang nagawa. Itinuturing siyang isang anghel sa kanilang pamilya. Bago matapos ang gabing iyon, iniwan niya si Yvo nang walang paalam. Para sa kanya, hindi na nila dapat makilala pa ang isa't isa. Pagkalipas ng halos isang linggo, muling nakita ni Lira si Yvo sa kasal ng kanyang pinsan. Buong akala niya, wala nang halaga para dito ang lahat ng nangyari sa kanila nang gabing iyon. Ngunit laking gulat niya nang bigla nitong ipilit ang sarili sa kanya. Hindi pa ito nakontento, ipinakilala pa nito ang sarili sa buong pamilya niya at sa ex-boyfriend niya na boyfriend niya ito! Magagawa pa ba niya itong ipagtabuyan, lalo pa at nagsisimula na itong magkaroon ng espesyal na lugar sa puso niya? A/N: All rights reserved to Precious Pages Corp. This story was published on 2012.
KRISTINE SERIES 25: Have You Looked Into my Heart? by AgaOdilag
AgaOdilag
  • WpView
    Reads 134,841
  • WpVote
    Votes 2,075
  • WpPart
    Parts 23
Nang unang masilayan ni Serena si Jared Atienza ay nakita niya rito ang katuparan ng mga suliraning iniwan sa kanya ng namayapang mga magulang. Jared Atienza was filthy rich. Bale-wala rito ang halaga ng pagkakasangla ng asyenda nila. That he was sinfully handsome was an added bonus. Kailangang maakit niya ito sa anumang paraan. Jared couldn't care less about his grandfather's codicil. He had come to value his independence. Marriage meant giving it up. His parents were wealthy. Hindi sila maghihirap kung hindi siya mag-aasawa. But that changed when he saw Serena Manzanares. Though she wasn't his type, he desired her. Kailangang mapapayag niya ito sa marriage of convenience--sa anumang paraan. ____ **from the works of Martha Cecilia**
Dugtungan Mo Ang Isang Magandang Alaala - A Novel By Martha Cecilia by Ryzfair30
Ryzfair30
  • WpView
    Reads 47,179
  • WpVote
    Votes 596
  • WpPart
    Parts 12
"Pag-ibig din ang magdurugtong sa magagandang alaala ng isang lumipas na pag-ibig.." Maligaya si Julie sa piling ng kasintahang si Greg. Subalit tuwina ay wala itong bukambibig kundi ang nakatatandang kapatid na si Ariel. Nang makilala niya ang misteryoso at aroganteng si Ariel, ni sa hinagap ay hindi niya inakalang mapapakasal siya rito. Parang panaginip lamang ang lahat, na paggising niya'y totoo palang dalawang beses siyang naging Mrs. Valdez. (This is a true story) Credits to the rightful owner ©️ Martha Cecilia PHR