SHINE's reading list
117 stories
Lo Siento, Te Amo (Published by Taralikha) by UndeniablyGorgeous
UndeniablyGorgeous
  • WpView
    Reads 4,251,925
  • WpVote
    Votes 183,188
  • WpPart
    Parts 38
"Wattys 2021 Winner in Historical Fiction Category" Si Agnes Salazar y Romero ay ikinasal sa lalaking malabong masuklian ang kaniyang pagmamahal dahil sa matinding galit nito sa pamilyang kaniyang kinabibilangan. Ang kanilang pagsasama ay puno ng lungkot, pasakit, at suliranin. Natuklasan ni Agnes ang lihim ng kaniyang asawa na si Alfredo na tuluyang sumira sa kanilang pagsasama. Nang dahil sa isang aksidente, tuluyang nagbago ang kanilang buhay. Sa muling pagtatagpo ng kanilang landas, magagawa bang balikan ni Agnes ang buhay sa nakaraan? O ang mapait na nakaraan kapiling ang dating asawa ang maging dahilan upang piliin niya ang bagong buhay kasama si Mateo? Hanggang saan ang kayang gawin ng isang taong nalugmok sa pagsisisi, panghihinayang, at pag-ibig? Started: December 31, 2020 Completed: August 9, 2021
Thy Love by UndeniablyGorgeous
UndeniablyGorgeous
  • WpView
    Reads 8,716,805
  • WpVote
    Votes 308,049
  • WpPart
    Parts 36
Thy Series #1 Si Celestina Cervantes ay isang binibini na may kapansanan sa pagsasalita. Nagmula siya sa isang mainpluwensiyang pamilya sapagkat isang gobernadorcillo ang kanyang ama. Ngunit nang yumao ito ay kinailangan niyang manilbihan upang mabuhay at bayaran ang utang ng kanyang ama na lingid sa kanyang kaalaman ay kabi-kabila pala. Sa paninilbihan bilang alipin ay muling magtatagpo ang landas nila ni Martin Buenavista, ang binatang nakatakda sanang ikasal sa kanya noon. Ano nga bang magiging papel ni Martin sa buhay ni Celestina gayong may ibang babae na siyang iniibig? Language: Filipino Book Cover by: ABS-CBN Books Date Started: January 05, 2018 Date Finished: June 05, 2019 Completed.
The Ugly Duckling  (PUBLISHED UNDER PSICOM) by kissmyredlips
kissmyredlips
  • WpView
    Reads 5,006,423
  • WpVote
    Votes 147,855
  • WpPart
    Parts 48
If you're looking for the ugly duckling who turned into a swan, then you got the wrong book. Les' best friend, Dee, just got rejected by the love of her life. According to the guy, ayaw niya sa babaeng conservative, hindi aggressive, underdog, weak, boring at manang katulad ni Dee. Now, Dee's convinced that love is all about how you look. Les tried to convince her otherwise but she's too broken to be swayed. Despite Les' abhorrence towards love, she doesn't want her best friend to end up with a broken esteem. Kaya ngayon ay handa siyang gawin ang lahat mapatunayan lang niya na sa pagmamahal, puso ang ginagamit-hindi ang mata. Even if she, a total bitchesa swan, needs to turn into an ugly duckling... So be it. Available in bookstores nationwide for only 150.00! :)
One Last Wish- Complete by sexylove_yumi
sexylove_yumi
  • WpView
    Reads 808,075
  • WpVote
    Votes 31,110
  • WpPart
    Parts 46
WATTYS 2020 WINNER FOR HISTORICAL FICTION Ako si Catalina, nagmahal, nasaktan, humiling kay Tala at sumubok muli. Ang buhay ay mapaglaro at tinatawanan ako ng kapalaran sa aking piniling daan. Ang umibig ba ng tapat ay ganito kasakit? Ako ay susuko na ngunit sa aking pagsuko ako ay tumingin sa Tala sa huling pagkakataon at naroon ka. Ikaw na hindi ko inaasahan. Naroon ka. Hanggang sa muli aking... tunay na minamahal.
Rebirth of the Southern Duke's Wife by renshiij
renshiij
  • WpView
    Reads 1,764,946
  • WpVote
    Votes 35,727
  • WpPart
    Parts 55
A woman that rules men got transmigrated to a Duchess who is a slave of a mere man. Language used: Tagalog and English Status: Completed Date Ended: June 24, 2024
Hiraya (Published by Flutter Fic) by UndeniablyGorgeous
UndeniablyGorgeous
  • WpView
    Reads 2,373,491
  • WpVote
    Votes 89,292
  • WpPart
    Parts 22
Ang Ikalawang Serye. Si Aurora Lacamiento ay mayroong malubhang karamdaman mula pagkabata. Sa loob ng ilang taon ay naging sandigan niya ang pagbabasa ng mga nobela. Isang gabi, sa huling sandali ng kaniyang buhay ay napagkalooban siya ng kahilingan - ang hiling na magdadala sa kaniya sa iba't ibang mundo ng mga paborito niyang kuwento sa tulong ng isang misteryosong lalaki na siyang sugo ng Buwan. Sa kanilang paglalakbay sa iba't ibang nobela ay naranasan ni Aurora ang mga bagay na hindi niya pa nagagawa at natutuklasan. At sa bawat araw na dumaraan ay hindi niya mapigilan ang hangarin na tuklasin kung sino ang misteryosong lalaki na walang pagkakakilanlan. Handa ba nilang harapin ang bawat kabanata na puno ng hiwaga? At ano ang kanilang gagawin sa oras na matuklasan nila ang lihim ng Buwan? HIRAYA is now available online at Anvil Publishing Store.
Segunda by UndeniablyGorgeous
UndeniablyGorgeous
  • WpView
    Reads 1,515,237
  • WpVote
    Votes 43,009
  • WpPart
    Parts 28
De Avila Series #2 Si Maria Segunda De Avila ay masasabing anghel ng kaniyang mga magulang dahil siya'y likas na masunurin, magalang, tahimik, at malapit sa Diyos. Ang mga katangiang ito marahil ang naglagay sa kaniya sa katayuang hindi napapansin ng karamihan. Siya'y hindi nagtataglay ng pambihirang kagandahan, talentong maipagmamalaki, at talinong kayang makipagsabayan sa karamihan tulad ng kaniyang mga kapatid. Pinili niya ang buhay na tahimik sa kabila ng panghuhusga ng lipunan sa mga babaeng tulad niya na maaaring tumandang dalaga. Subalit, ang inaakalang niyang tahimik na buhay ay nagkaroon ng hangganan nang bumalik ang lalaking ilang taon niyang hinintay at ang pagdating ng isang pilyong binata na kakambal ang kaguluhan. Paano haharapin ni Segunda ang dalawang kapalarang naghihintay sa kaniya? Pabalik sa pangakong naudlot ng nakaraan? O patungo sa hinaharap na puno ng pakikipagsapalaran? Book Cover by Bb. Mariya Date Started: September 21, 2024 Date Completed: March 23, 2025
Socorro by UndeniablyGorgeous
UndeniablyGorgeous
  • WpView
    Reads 1,978,217
  • WpVote
    Votes 85,674
  • WpPart
    Parts 28
De Avila Series #1 "Wattys 2022 Grand Prize Winner" Known as the most stubborn and troublemaker daughter of the De Avila family, nothing stops Socorro from pursuing her dreams and passion for writing. Despite living in the 19th century, she believes women can also do great things like men. Being the next daughter to be sent off to an arranged marriage like her older sisters, she's now determined to create her destiny and break every single custom of what a woman was taught to do. She earns money by writing love letters as a ghostwriter. Everything seems to work according to her plan until she meets a young nobleman who can catch her lies and make her feel the love she thought only exists in books. Book cover design by @mariya_alfonso Language: Filipino Date Started: October 31, 2021 Date Finished: June 18, 2022
Mafia Boss Obsession [PUBLISHED UNDER PSICOM] by Miss_Terious02
Miss_Terious02
  • WpView
    Reads 2,734,152
  • WpVote
    Votes 42,559
  • WpPart
    Parts 44
Sa edad na twenty three ay ulila na sa magulang si Abigael Mendez at tanging ang tita niya na lamang ang kasama niya sa buhay. Abigael and her aunt were living a good life but things suddenly changed when she was kidnapped by a mafia boss named Harvey Sandoval. At the age of twenty eight, Harvey Sandoval is already a mafia boss. At nakilala niya si Abigael dahil sa isang aksidenteng naganap noong hinahabol siya ng kanyang mga kalaban. Since then, he always followed Abigael until he gradually fell in love. Upang magpakilala ay naisipan niyang kidnapin ang babae at ayaw niyang mawala pa ang babaeng kanyang minamahal. He will do anything to keep Abigael with him. - Book cover is not mine. Credit to the rightful owner. Font: Credit to Dark_Ziem Miss_Terious02
A Sin Called Love by HeyBeyaaah
HeyBeyaaah
  • WpView
    Reads 255,760
  • WpVote
    Votes 3,811
  • WpPart
    Parts 53
Katorse anyos lang si Winona nang maipagkasundong ipakasal sa Don Esteban Herrera, isa sa mayamang pamilya sa Monte Claro de Verde. Dahil sa hangad na mapag-aral niya ang kanyang nakatatandang kapatid at nakababatang kapatid, minabuti niyang pumayag na lang sa kasunduang iyon kahit na kapalit noon ay ang dignidad at kalayaan niya. Mahirap man para sa kanya na buksan ang kanyang puso sa matandang Don, walang balak si Winona na maudlot ang ibinigay na tulong ng pamilyang Herrera sa kanyang pamilya. Kapalit man nitong tulong ay ang puri, dangal, at ang kanyang dignidad. Nagbago nga lang ang lahat nang mapalapit siya sa apo ni Don Rafales, si Ginoong Miguel Rafales. Isang kasalanan na ang tawag niya ay pag-ibig.