loreandink
⚠️ 𝗠𝗔𝗧𝗨𝗥𝗘 𝗧𝗛𝗘𝗠𝗘𝗦: Psychological Horror • Colonial Violence • Historical Trauma • Body Horror • Disturbing Imagery
𝘓𝘪𝘮𝘢𝘯𝘨 𝘢𝘯𝘨𝘬𝘢𝘯. 𝘐𝘴𝘢𝘯𝘨 𝘴𝘪𝘯𝘢𝘶𝘯𝘢𝘯𝘨 𝘭𝘪𝘩𝘪𝘮. 𝘐𝘴𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘱𝘶𝘭𝘶𝘢𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘬𝘢𝘵𝘢𝘺𝘢.
Noong 1572, isang sumpa ang lumitaw at naging banta sa mga pulo. Dahil dito, kinailangang magtulong-tulong ng limang tribung nakatalaga bilang tagapangalaga ng kapuluan upang ikulong ito at pigilan ang paglaho ng kanilang mundo.
Nagtagumpay sila.
Subalit, makaraan ang mahigit apat na raang taon, ang sumpa ay muling nagigising---mas mabagsik, mas mapanganib, at ngayon ay nagkukubli na sa mga bulwagan ng pamahalaan.
Habang muling umaahon ang isang kasaysayang sinadyang ibaon sa ilalim ng Republika, limang tagapagmana ng sinaunang dugo ang napilitang maging mga bagong Bantay-Lahi.
Ngunit sa mundong ang bawat sakripisyo ay may kapalit na dugo---
sino sa kanila ang unang bibitaw?
Sino ang maninindigan?
At sino ang magbabayad para sa kaligtasan ng lahat?
Muling umuusli ang sigwa mula sa kailaliman.
At kasama nito, gumigising ang mga lihim na sinadyang ibaon sa kasaysayan.
Kaya bang manatiling nakatindig ang limang Bantay-Lahi kung gayong wala silang alam sa pinagmulan ng sarili nilang dugo?
◆◇◆◇◆
𝗣𝗜𝗡𝗔𝗚𝗠𝗨𝗟𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗕𝗜𝗦𝗪𝗔𝗟
In-edit ng may-akda ang cover art gamit ang Canva.
Ang mga orihinal na larawan ay mula sa Pinterest at likha nina So La Lune E' at Akuma27.
𝗨𝗡𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗘𝗧𝗦𝗔 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗟𝗔𝗧𝗛𝗔𝗟𝗔: Ika-16 ng Oktubre, 2025
𝗜𝗞𝗔𝗟𝗔𝗪𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗘𝗧𝗦𝗔 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗟𝗔𝗧𝗛𝗔𝗟𝗔: Ika-28 ng Pebrero, 2026