SilentlyCrying4
Ang malawak na lupain ng Tarhata ang siyang nag-iisang lupain na hindi pa nasasakop ni Haring Accleus. Siya ngayon ang kasalukuyang namumuno sa tatlong lupain ng KHAT kabilang na dito ang Kazarin, Hindira, at Alhara. Ang KHAT noon ay isang masaya at payapang kaharian at may apat na lupain ngunit dahil sa kasakiman at kasamaan ng dating namumuno sa lupain ng Kazarin ay unti-unting nabuwag ang apat na lupain.
Ang lupain ng Tarhata ay may matibay na hangganan at may malalakas na hukbo na pinamumunuan ni Heneral Cuzhim. Dahil sa kanya ay kaya malakas at matatag pa rin ang lupain ng Tarhata. Matalino ito sa pagpaplano para sa labanan kaya halos lahat ng pakikipadigma nila sa hukbo ng Kazarin ay naipapanalo nila.
Ngunit hindi makuntento ang Haring Accleus hangga't hindi niya nasasakop ang apat na lupain ng KHAT. Handa siyang gawin ang lahat matalo at magapi lang hukbong sandatahan ng Tarhata. Kabilang na dito ang pangalang madalas niyang marinig, Heneral Cuzhim. Masisiyahan siyang matalo at magapi ang pinakamamahal nitong lupain.