awihatesu
Si Thiago, ang suwail na anak ng isang malupit na Raja, ay pinilit na ipakasal sa Zaffira, ang anak ng Sultan. Ngunit sa likod ng mabait na anyo ni Zaffira ay isang mundo ng mga lihim na hindi kayang maabot ng puso ni Thiago. Nang maganap ang isang malupit na pagtataksil, ang kanyang buhay ay nabago magpakailanman-ang mga sugat ay masakit, at ang mga peklat ay nananatili.
Habang ang nakaraan ay patuloy na umaabot sa kanya, isang madilim na pamana ang naiwan ni Zaffira-isang galit na walang kapatawaran, isang kwento ng pag-ibig na hindi nakamit. Ang mga lihim ay unti-unting lumalabas, at habang ang mga mata ni Thiago ay tumingin sa mga anino ng kanyang buhay, ang mga desisyon na ginawa niya noon ay gumugulo sa kanyang kasalukuyan.
Ngunit may mga bagay na hindi kayang takasan. Hindi lahat ng peklat ay kayang maghilom, at may mga lihim na hindi kailanman malalaman... hanggang sa huli.