xnchvio
- Reads 2,804
- Votes 168
- Parts 18
Sa mga nababasa kong libro, minsan, pare-parehas na ang takbo ng istorya. Katulad nito:
1. Magsisimula ang story sa nakakasawang alarm clock. First day of school kumbaga.
2. Dahil late ka na magising, nagmamadali kang pumunta sa school nyo. Dahil sa kamamadali mo, may nagbunggo kang lalaki.
3. May isang babae ang umaaligid sa taong nakabunggo mo. Kontrabida na nga ang turing mo sa kanya.
4. Sa dami-raming section sa school nyo, naging magkaklase kayo ng taong nakabunggo mo nung first day. Naging mortal kayong mag kaaway.
5. Sinusungitan ka nung babaeng umaaligid sa nakabunggo mo. Nalaman mo rin na may gusto siya 'don.
6. Naging mag-friends kayo nung nakabunggo mo dahil lang sa isang group activity sa school nyo. Dahil din doon, nagkagusto ka sa kanya.
7. Naging kayo nung taong nakabunggo mo.
8. Gagawa ng paraan yung babang kontrabida para lang mapaghiwalay kayo.
9. Hindi natuloy ang plano ng kontrabida. Nagkabati na kayong lahat. Happy ever after na.
10. May book 2 na susunod.
Gusto ko rin mangyari ito sa aking buhay. Sana maging cliché rin ang mangyari sa akin. Siguro, oras na para gawin ito -- mahanap ko lang ang pagmamahal na nababasa ko sa mga libro.