Current Reads
24 stories
Nakatadhanang Puso - Sheryll Barredo by Tadzrei2
Tadzrei2
  • WpView
    Reads 11,468
  • WpVote
    Votes 122
  • WpPart
    Parts 10
"Shut up!" singhal niya rito. Alam na niya ang ibig tukuyin ng binata. "Kung inaakala mong mahal kita, you're deeply wrong. Si Isagani ang mahal ko." Maluwang ang ngiting napinta sa mga labi ni Jonathan. "You're lying.:" anas nito. "Sinasabi mo lang 'yan dahil gusto mo akong pasakitan. Pero ang totoo, matagal kanang in love sa akin. At alam ko kung paano kita mapapa-surrender.." "Don't you dare kiss me a " Hindi pa man siya nakakatapos ay bigla na lang siya nitong sinambilat sa kanyang baywang at walang-babalang inangkin ang kanyang mga labi. Paano pa niya mapapanindigan ang mga sinabi gayong nilusaw nang halik ni Jonathan ang lahat ng depensa niya...?
Chances - Leah Silverio by Tadzrei2
Tadzrei2
  • WpView
    Reads 12,584
  • WpVote
    Votes 168
  • WpPart
    Parts 13
Hindi inaasahan ni Charlene na muli niyang makikita si Wellesley. Limang taon na ang lumipas nang takasan niya ito. - At sa mga panahong iyon ay napaniwala niya ang sariling napagtagumpayan niyang limutin ito. Iyon lang naman ang dapat dahil ipinagpalit siya nito sa iba. Kaya ganoon na lamang ang pagkalito niya sa nararamdaman nang maring itong magsalita sa harapan niya. "When you left, I never had the courage to look you up. What for? Ayaw mo na sa akin..." Nanatili itong nakatingin sa kanya. "Akala ko' y nawala ka na sa puso ko, na natanggap ko nang hindi ka para sa akin. But it took me one look at you to realize that I've never really gotten over you." "I-I don't know what to say," nabubulol niyang sabi. Hindi pa pala sapat ang ilang taong pagkakahiwalay nila upang mabawasan ang pagmamahal niya rito. "Bakit bumalik ka pa sa buhay ko, Wellesley?" "Simple lang, I know you belong to me and nothing else will matter." Would she believe him this time?
Gems: Paraiso Sa Dilim - Elizabeth Mcbride by Tadzrei2
Tadzrei2
  • WpView
    Reads 4,759
  • WpVote
    Votes 182
  • WpPart
    Parts 22
Si Lettie-isang Inocencio. Si Zach-isang Torente. Nagmula sila sa dalawang pamilya na may alitang nassimula pa sa kanilang mga lolo. Ngunit hindi naging hadiang iyon upang umusbong ang matibay na pagkakaibigan sa pağitan nilang dalawa. Ginawa nila ang lahat upang muling mapaghati ang kani-kanilang mga pamilya. Ngunit hanggang kailan magtatagal ang pagkakaibigang iyon? Paano kung isang gabi ay matagpuan na lamang nila ang kanilang mga sarili sa isang isla? At magkaniig ang kanilang mga katawan? Ano ang kahahantungan ng kanilang pag-ibig kapag nalantad ang totoong mga nangyari sa pagitan ng kanyang tiyahin at sa ama ni Zach? Paano na ang paraisong hinahangad nila kung sa simula pa lamang ay madilim na iyon dahil sa mga taong labis na nasaktan noon?
For Keeps - Rose Tan by Tadzrei2
Tadzrei2
  • WpView
    Reads 2,768
  • WpVote
    Votes 91
  • WpPart
    Parts 9
Nangangamba si Lolo Diego na maputol na ang lahing Cajilig, kaya naman sinuhulan nito ang kaisa-isang: apong si Maximilian o Mack na mag-asawa na. Wala pang balak mag-asawa si Mack, ngunit baliw lamang ang tatanggi sa twenty million pesos at hindi nito makakamit iyon kung ito'y binata. May solusyon naman sa dilemma nito: si Gidget Alisangco. Matapos makumbinsi na maaari din silang maghiwalay ilang buwan matapos ang kasal ay pumayag sa gusto ni Mack si Gidget. Excited pa siya dahil pinangakuan siya ni Mack ng ten percent sa lahat ng mamanahin nito pagkatapos ng kanilang charade. Ngunit hindi pa man sila nakakasal ay bumaligtad na ang puso ni Gidget. Now she wanted Mack to be hers for keeps.
You're Mine, Only Mine - Martha Cecilia by Tadzrei2
Tadzrei2
  • WpView
    Reads 3,354
  • WpVote
    Votes 93
  • WpPart
    Parts 12
"Akin Ka, Roxanne, dahil binili kita mula kay Alfonso ng dalawa at kalahating milyon...!" Hindi makapaniwala si Roxanne na siya ang ibinayad ng ama bago ito namatay sa pagkakautang nito sa mga Moravilla. At pagkalipas ng tatlong taon ay dumating si Alex Moravilla upang singilin ang pagkakautang na iyon. Ang pagpapakasal niya kay Alex ang kabayaran. Hindi siya papaya anuman ang mangyari. Kung katawan niya ang kailangan ni Alex ay ibibigay niya huwag lamang makulong ng habang buhay sa piling nito.
Nang Gabing Manging Akin Ka - Martha Cecilia by Tadzrei2
Tadzrei2
  • WpView
    Reads 4,310
  • WpVote
    Votes 119
  • WpPart
    Parts 11
Dalawang pag-ibig na ang nawala kay Monica dahil hindi niya nais na magkaroon ng pre-marital affairs. At ang huli, si Michael, iniwan siya sa isang resort sa Laguna nang tumanggi siyang makipagtalik dito bago sila makasal. Sa sama ng loob, habag sa sarili, at iglap na rebelyon na tinulungan pa ng dalawang shots ng tequila, ipinagkaloob ni Monica ang sarili sa isang total stranger.
Sweet Surrender - Amanda by Tadzrei2
Tadzrei2
  • WpView
    Reads 4,815
  • WpVote
    Votes 113
  • WpPart
    Parts 10
"Kung ang ibang lalaki'y natutuwa kapag birhen ang nakuhang babae, nakapagtatakang iba ka sa kanila, Jake. Hindi ko alam kung matatawa o malıyak noong malaman ko kung bakit mo ako nilayuan-"Naputol sa pagsasalita si Alona nang akmang lalapit ang lalake. 'No! Hanggang diyan ka lang, at ni magtangka' y huwag mo akong hahawakan. Baka pag nakita mo kung ano ang reaksyon ko'y sabihin mong walang nagbago sa loob ng pitong taon. At ang sunod na itatanong mo'y kung ilang lalake na ang nakasiping ko sa kama..." Nanatili sa kinatatayuan si Jake at tumitig sa kanya. "Hindi mo na makikita ang dating Alona, Jake,' dugtong niya. "Pinatay mo na siya..."
LONGING FOR YOU by HeartRomances
HeartRomances
  • WpView
    Reads 59,175
  • WpVote
    Votes 1,354
  • WpPart
    Parts 17
Bagay sa dalaga ang kanyang pangalan na Angela dahil sa maamo nitong mukha. At sa magandang pag-uugaling taglay ng dalaga. Mabait ito at mapagmahal sa kapwa.Pero kahit gaano kalinis ang kanyang puso ay hindi lahat ng tao ay nakikita ang mga bagay na iyun sa kanya. Katulad ng nararamdaman ni Armin para sa dalaga. Matinding pagkasuklam at poot ang maramdaman ni Armin sa matalik na kaibigan ng kanyang kapatid. Si Angela na siyang naging dahilan ng pagpapakamatay ng nakababatang kapatid. Kung hindi dahil sa panghihimasok siya sa buhay ng kanyang kapatid ay hindi sana maagang mawawala ang nag-iisang babae sa kanilang pamilya. Sa unang pagkakataon ay nagmahal si Angela sa lalaking una pa lamang niyang nakita. Pakiramdam ng dalaga ay matagal na silang magkakilala. Mabilis na napalagay ang kanyang kalooban dito hanggang sa lumalim ang kanyang pagtingin sa lalake. Hindi na niya mapigilan ang sarili na mahalin ito. Pakiramdam niya ay hindi niya kakayaning mawala sa kanya ang pinakamamahal na si Armin. Kahit anong kagandahang-loob ang ipinapakita ni Angela sa kanya ay hindi pa rin nawawala ang poot na nararamdaman niya para sa dalaga. Tuwing magkasama sila ay naaalala niya ang mga masasayang araw nila ng namayapang kapatid. Kung hindi lamang ito pumanaw ay palagi niya sanang nakikita ang kapatid. Pero dahil sa babaeng ito ay naglaho lahat pati ang pangarap niya para kay Camille. Isinumpa niya sa burol ng kapatid na pagbabayarin niya ang dalaga bilang paghihiganti nito sa malagim na sinapit ng kapatid. Madali niyang naisakatuparan ang kanyang mga plano. Sinamantala niya ang mga sandaling mahal na mahal siya ng dalaga. And time has come for a vengeance. Pinaglaruan niya ang dalaga hanggang sa nasaksihan nito ang labis na pagdadalamhati sa ginawa niyang pagmamalupit sa dalaga.
Iniibig Kita..Mahirap Bang Sabihin Iyon? - Martha Cecilia by Tadzrei2
Tadzrei2
  • WpView
    Reads 10,104
  • WpVote
    Votes 265
  • WpPart
    Parts 11
Her life was complete and satisfied. Iyon ang mantra na laging inuusal ni Larissa sa sarili. Kung physical attributes ang pag-uusapan, she deserved a second look. Men came and then were gone. Wala siyang seryosong relasyon dahil sa sandaling makakita siya ng kahit bahagyang maipipintas sa boyfriend ay agad niyang tinatapos ang hindi pa man nagkakaugat na relasyon. Until Jack. Isang cowboy na Ilocadia. Gorgeous ang sexy. At marami siyang maipipintas dito. Isa na rito ay hindi gustong bigkasin ng lalaki ang salitang mahal siya nito. And yet he wanted to marry her for a reason. And she found out she loved this imperfect man. At hindi niya gustong pakawalan ito sa kabila ng wala namang relasyon tatapusin.
HINDI LARUAN ANG PUSO - Margarita Nuestro by Tadzrei2
Tadzrei2
  • WpView
    Reads 4,291
  • WpVote
    Votes 60
  • WpPart
    Parts 11
Maganda, mayaman, ano pa ba ang hihilingin ni Jessa sa mundo? Kahit na nga ang pag-ibig ay laruan lang sa kanya. Pati ang guwapo at aroganteng family driver nila na si Victor ay hindi nakaligtas sa. kanyang mapaglarong puso. Ngunit natagpuan niya ang sarili na umiibig dito. Magbabago na siya, sabi niya sa sarili. Saka naman niya natuklasan na nakatakda na palang ikasal sa ibang babae ang binata. Ngunit ang dating mapaglarong puso ni Jessa, may kakayahan din palang ipaglaban ang kanyang tunay na pag-ibig. Hindi siya makakapayag na may kaagaw sa pag-ibig ng binata...