seiyanggg_
- Reads 330,011
- Votes 9,158
- Parts 70
Sa isang mundong puno ng lihim at panganib, magtatagpo ang landas ng dalawang dalaga na magkaibang-magkaiba ang buhay ngunit kapwa sugatan ng kapalaran.
Si Maraiah Arceta ay isang masiyahin at mabait na kolehiyala na may malalaking pangarap sa buhay. Ngunit dahil sa malaking utang ng kanyang ama at pagkamatay ng kanyang ina sa isang aksidente, napilitan siyang huminto sa pag-aaral upang matulungan ang kanyang pamilya. Tatlo na lamang silang magkakasama, at araw-araw ay nilulunok niya ang sakit ng mga pangarap na tila unti-unting naglalaho.
Samantala, si Mikhaela Lim ay isang makapangyarihang CEO at lihim na pinuno ng isang organisasyong kriminal. Isa siyang intersex na itinago ang tunay na pagkatao upang maprotektahan ang kanyang posisyon, lalo na't malapit na niyang kunin ang trono ng kanilang pamilya. Pinalaki siyang walang kahinaan-walang takot, walang awa, at walang puwang para sa damdamin.
Dalawang buhay na magkasalungat-isang pusong duguan ng kahirapan at isang kaluluwang hinulma ng karahasan. Sa kanilang pagtatagpo, mabubuo ang isang kwento ng pag-asa, lihim, at pag-ibig na kayang baguhin kahit ang pinakamatitigas na puso.
sorry for the grammatical and typographical issues because this is my first story, and I hope you enjoy the first story I made thank you.
THIS STORY IS MY OWN IMAGINATION ONLY⚠️
(and credit sa ginayahan ko ng story nato may similar kasi to sa S2 ng Until I Reach Your Star)
-version 2.