crescentsummoner's Reading List
4 stories
Paglalakbay by ajeomma
ajeomma
  • WpView
    Reads 72,430
  • WpVote
    Votes 445
  • WpPart
    Parts 2
Bata pa lang si Adela ay mulat na siya sa pagiging ate sa tatlong nakababatang kapatid. Matalino siya at madiskarte sa buhay. Katuwang ng kanyang inang si Onor at matapang na tagapagtanggol ng mga kapatid. Sipag at tiyaga, pagtitiis at pagpupursigi, mga sangkap na gagamitin niya upang makamit ang mga pangarap na mismong ama ang naging sagabal. May pag-asa pa ba kung ang iresponsableng ama ang nagdudulot ng balakid at pagdurusa? Tunghayan po natin ang kuwento ng kanyang buhay, na maaaring kuwento rin ng iba sa atin. Maiyak, mangiti; masaktan, kiligin; bumagsak, bumangon; mabigo, magtagumpay at magpatuloy sa PAGLALAKBAY sa buhay. PAGLALAKBAY written by: ajeomma P.S. Ito po ang kauna-unahan kong kuwento nang unang araw na patuluyin ako ni Wattpad. Maraming-marami po itong mali pagdating sa teknikalidad na aspeto. Sa kabila niyan, nagpapasalamat po ako sa mga nagbasa at nagkomento ng maganda... At, magbabasa pa. :-)
Kaluluwang Ligaw by ajeomma
ajeomma
  • WpView
    Reads 174,081
  • WpVote
    Votes 715
  • WpPart
    Parts 2
Mystery/thriller Spiritual Isang pampublikong bus ang bumabaybay sa makitid na kalsada ng Kennon road papanik ng Baguio. Marami sa mga pasaherong lulan nito ay pansamantalang nakaidlip habang ang iba naman ay pinagmamasdan ang mga tanawin na madaanan. Nang lumiko ang bus ay nawalan ito ng kontrol. Nagtilian ang mga pasaherong lulan ng sasakyan nang walang ano-ano ay tumagilid. Nagitla si Milagros, bahagyang naibuka ang bibig subalit walang nanulas ni katiting na tinig. Nasaksihan ng kanyang dalawang mata ang pagbulusok pababa nang sinasakyang bus sa matarik na bangin. Hanggang makita niya ang sarili... nakahandusay at duguan. Patay na ba siya? At... sino ang lalaking biglang sumulpot? May butas ang magkabila nitong palad! Copyright © ajeomma All Rights Reserved
Si Baste at ang Tubig sa Bukal  by ajeomma
ajeomma
  • WpView
    Reads 367,077
  • WpVote
    Votes 3,902
  • WpPart
    Parts 10
"Bakit lagi nila ako niaaway? Hindi ko naman sila niaano, a." Humihikbing sumbong ni Baste sa alagang aso. Tila nakakaunawa, ikiniskis naman ng aso ang ulo sa braso nito. Binata na si Baste kung pagbabasihan ang panlabas na kaanyuan, subalit ang isip nito ay kahalintulad ng isang musmos, inosente't walang muwang. Madalas ay tampulan ng tukso at ginagawang katatawanan ng ibang tao. Ang lahat ng pagdaramdam ay idinadaan na lamang nito sa tahimik at impit na pag-iyak. Datapuwa't may kakulangan, si Baste ay may kakayahang makakita ng 'di pangkaraniwang nakikita ng ordinaryong mga mata. Subalit, paano siya paniniwalaan ng mga taong ang tingin sa kanya ay sintu-sinto at kulang-kulang? Ano ang magiging kaugnayan niya sa bukal? Anong hiwaga ang matutuklasan niya sa tubig? Ano ang magiging kapalit ng kanyang pagtitiis at pagpapakumbaba? Sama-sama nating tunghayan ang kanyang kasaysayan........ Copyright © ajeomma All Rights Reserved
She Who Stole Cupid's Arrow by alyloony
alyloony
  • WpView
    Reads 35,706,977
  • WpVote
    Votes 1,112,630
  • WpPart
    Parts 69
Sabi nila, lahat ng taong sobrang in love ay nagiging desperada. Kaya naman sa kagustuhan ni Jillian na mahalin siya ni Luke, nagawa niyang nakawin ang pana ni Kupido. At dahil sa ginawa niya, limang tao ngayon ang nanganganib na hindi na mahahanap ang kanilang one true love at idagdag pa ang pag-a-alboroto ni Kupido dahil naudlot ang pagkikita nila ng kanyang asawa na si Psyche.