Lord of the Dead Beasts
2 stories
Lord Of The Dead Beasts [Volume 2: Behind The Strings] by heysomnia
heysomnia
  • WpView
    Reads 86,694
  • WpVote
    Votes 8,548
  • WpPart
    Parts 70
Tuloy pa rin ang layunin ni Grim na maipaghiganti ang kaniyang sarili at ang kaibigang pinagmalupitan ng kanilang dating amo. Ngunit upang maisakatuparan iyon, kailangan muna niyang manatiling buhay. Sa pagpiling tumayo sa tabi ng magkapatid na Embers, kusang inilapit ni Grim ang kaniyang sarili sa panganib. Isa na rin siya ngayon sa mga tinutugis ng mga assassin na ipinadadala ng isang makapangyarihang mandirigma - isang lihim at hindi-kilalang kalabang handang pumatay para sa layuning hindi pa niya lubusang nauunawaan. Wala nang puwang para sa pag-aatubili. Kailangang higitan ni Grim ang hangganan ng kaniyang lakas at patuloy na lumaban - sapagkat sa mundong kanilang ginagalawan, sapat na ang isang pagkakamali upang tuluyang mawala ang lahat. Book Cover by: @Patzgeraldt Date started: April 01, 2025
Lord Of The Dead Beasts [Volume 1: Blessing Of The Abyss] by heysomnia
heysomnia
  • WpView
    Reads 84,639
  • WpVote
    Votes 7,424
  • WpPart
    Parts 40
Walang pangalan. Walang kalayaan. Isa lamang na alipin si Grim - hanggang sa isang gabi, tinulungan siya ng isang misteryosong mersenaryo upang makatakas. Gayunman, ang dati niyang amo ay natunton siya't walang awang pinaslang. Dapat ay doon na nagtatapos ang kaniyang kuwento. Pero hindi. Isang misteryosong boses mula sa hinaharap ang bumulong ng kakaibang salita sa kaniyang isipan: "System, now downloading, Advanced Class: Lord of the Dead Beasts." Mula sa kamatayan, si Grim ay muling nabuhay. At sa kaniyang paggising, taglay na niya ang kapangyarihang muling buhayin - at kontrolin - ang mga bangkay ng Magus Beasts. At ngayon, hindi na siya alipin. Isa na siyang nilalang na hindi na kaya pang itali ng kadena o isumpa ng kasuklam-suklam niyang marka. Ang pangalan niya ay Grim Lancaster... at dala niya ang bangis ng libo-libong mga Magus Beasts. Ang mundo ay magluluksa. At ang kaniyang paghihiganti... AY DITO PA LANG MAGSISIMULA Bookcover by: @Patzgeraldt Date Started: January 01, 2025