soporoposo
Esqueria Series #1
Si Maria Soleiman Esqueria ay ang panganay na anak ng tanyag na inhinyerong si Don Eber Esqueria. Kilala siya bilang matalino, may prinsipyo, at magandang binibini. Bihasa sa iba't ibang lengguwahe tulad ng kanyang inang si Amor Solidad Esqueria.
Ang pamilya Esqueria ay nagmula sa Espanya at kilala bilang pamilya ng mga abogado, inhinyero, doktor, at may mga katungkulan sa politika. Ang pamilya Solidad na pinagmulan ng kanyang ina ay kilala rin sa Europa bilang mga mamamahayag at negosyante.
Malaki at maimpluwensiya ang pamilyang pinagmulan ni Maria Soleiman. Tinitingala at ginagalang maging ng mga gobernador heneral dahil sa kapangyarihang taglay ng kanilang pamilya. Ngunit dahil sa hindi inaasahang pangyayari, natagpuan niya ang sarili sa matatayog na pader ng Intramuros.
Naliligaw sa gitna ng lugar na puno ng hiwaga, mahanap niya kaya ang kaniyang unang pag-ibig?