Hidden Child Series
1 story
Hiding the Billionaire's Son (Taguan Ng Anak Series 1) by marxiewrites
marxiewrites
  • WpView
    Reads 1,459
  • WpVote
    Votes 92
  • WpPart
    Parts 8
Lumaking ulila si Lucy Sanders na walang ibang hangad kundi ang simpleng buhay. Nang magtrabaho siya bilang kasambahay sa mansyon ng mga Creed, hindi niya inaasahang mahuhulog ang loob niya kay Felix Creed-ang makapangyarihang tagapagmana ng pamilya. Ngunit nagbago ang lahat nang matuklasan niyang nakatakda na palang ipakasal si Felix sa ibang babae. Sa sobrang sakit at pagtataksil, tumakas si Lucy patungong Hong Kong-bitbit ang isang lihim na habambuhay na magbabago sa kaniyang kapalaran, buntis siya. Sa tulong ng kaniyang matalik na kaibigang si Akihiro, itinaguyod ni Lucy ang kaniyang pag-aaral at pinalaking mag-isa ang kaniyang anak na si Caspian sa Hong Kong. Pagkalipas ng pitong taon, nagbalik si Lucy sa Pilipinas bilang isang kilalang Digital Artist. Sa kaniyang kinaroroonang art exhibit, biglang nawala ang kaniyang anak-at natagpuan na lamang niyang kausap na nito ang lalaking matagal niyang pinagtataguan. Laking gulat niya nang buong tapang na sinabi ng bata kay Felix na "Are you my Daddy?"